Horoscope | May 19, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 19, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 19, 2021 (Miyerkules): Isinilang ka hindi para mahirapan, kaya makikitang ang mahihirap na hanapbuhay ay hindi tugma sa iyo. Nasa lupa ka para magsaya at magkaroon ng masarap na buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Ang mahihirap na gawain ay huwag mo nang subukan, hindi dahil hindi mo kaya kundi dahil ang kailangan mo ay pahinga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-25-33-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalawin ka ng munting mga suwerte na magsisilbing binhi ng malaking gantimpala na mag-aangat nang todo sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-26-27-35-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling kikislap ang iyong kapalaran. Marami na naman ang masisilaw sa iyo. Pero mag-ingat ka dahil ang mga wala nang karapatan ay magtatangkang maging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-22-25-26-34.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang gaanong seryoso ngayon. Makipaglaro ka lang sa agos ng iyong kapalaran kung saan magugulat ka pa na ang iyong mga suwerte ay yakap-yakap mo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-28-29-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo na gawin ang mga hindi mo nagawa sa nagdaang mga araw. Ang alalay ng langit ay handang ibigay sa iyo. Alisin mo ang negatibong nasa isip mo, sapagkat ngayon ay araw mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-24-26-35-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hanapin mo ang saya at iyong makikita. Hanapin mo ang lungkot at malulungkot ka. Kaya walang mabuti kundi ang doon ka sa una. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-18-20-23-31-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tatanggap ka muli ng regalo mula sa langit na labis mong ikatutuwa dahil matagal mo nang gustong magsimula sa isang bagay na magbibigay sa iyo ng pagkakataong umasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-15-19-22-27-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka bibiguin ng langit. Hinihintay lang naman na makita kang malakas ang loob at magugulat ka dahil magdaragsaan sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-24-29-30-34-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matakot dahil wala nang bisa ang ginagawa ng iyong mga lihim na kaaway dahil sobrang abala sila sa napakalalaking problema na ipinadala sa kanila ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-20-21-29-32-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pag-alinlanganan ang inaalok sa iyo na pagkakakitaan. Idinaan lang ng langit sa ibang tao, pero ito ay para talaga sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-22-25-36-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Inihahanda na ng langit ang pagkakaroon mo ng buhay-reyna. Nagugulat ka ba? Kung babalik-balikan mo ang mga nagdaan, dati kang nagbuhay-reyna at mauulit ito sa malapit na hinaharap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-23-25-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo na ang pagkatao ng nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Dahil ang mga bahagi ng bahay, para matibay ay sinusukat muna bago ilagay ang pundasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-25-28-39-40-41.




Comments