Horoscope | May 18, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 18, 2024

Sa may kaarawan ngayong 18, 2024 (Sabado): Sapat na ang lakas ng loob mo para magtagumpay. Makaranas ka man ng kabiguan, tiwala pa rin sa sarili ang iyong panlaban.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Huwag mo na itong palampasin pa at ihakbang mo na agad ang iyong mga paa para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-20-26-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng mga taong lumalapit sa iyo. Huwag ka maniniwala sa mga salitang sinasabi nila sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-16-26-31-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi lahat ay nakukuha sa palakasan ng loob. Mabibigo ka kapag hindi mo pinag-aralang mabuti ang papasukin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-22-25-27-42.
CANCER (June 21-July 22) - Papalakasin ka ngayon ng langit dahil nakita ka Niyang mahina at walang magawa laban sa mga nagnanais na mabigo ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-15-25-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mong lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Alalahanin mong minsan nang sumobra ang kumpiyansa mo sa iyong sarili at ‘yun din ang dahilan kung bakit ka napahiya sa maraming tao. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-17-20-23-25-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang magtanong lalo na kung kailangan mo ang mahahalagang impormasyon. Ang masama ay ang naglalakas-lakasan ka ng loob. Ito ang mensahe ng para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-22-28-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon na ang araw kung kailan puwede mo nang simulan ang mga planong hindi mo matuluy-tuloy. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-24-26-34-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masuwerte ka, kaya makipagsapalaran dahil tiyak na mananalo ka! Kunsabagay, kahit ‘di ka naman makipagsapalaran patuloy pa ring gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-20-29-30-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papabor sa iyo ang mga pangyayari. Puwede mo nang gawin anumang gusto mong gawin, kahit pa sabihing nag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-22-24-28-31-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ang depensang natural mo ngayon, umiwas ka sa mga taong may karamdaman at sa mga lugar na hindi malinis. Mas mabuti na ang nag-iingat, kaysa magkasakit ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-23-35-40-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang dikit nang dikit sa kilala mong malakas ang loob. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-19-26-30-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lakasan mo pa ang loob mo. Huwag kang tumulad sa mahihina, dahil ang mga taong mahihina ang kadalasang nabibigo sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-26-29-38-42.



Comments