top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | May 17, 2024 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 17, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 17, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 17, 2024 (Biyernes): Marami ang gagamit sa iyo para sila’y magsiyaman. Kung hindi ka nila maiwasan, paghandaan mo rin ang iyong kinabukasan. Ito ang paraan upang hindi ka magsisi.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magmadali. Mas maganda kung marunong ka maghintay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-21-33-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nabubuo sa kapalaran mo ang isang suwerte. Kahit ang karibal mo ay walang magagawa kundi sumuko at makipagkaibigan sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-22-29-34-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Ipakita mo sa langit na kahit paano ay marunong kang magsinop. Kapag nagawa mo ito, ipapakita rin sa iyo ng langit na ang mga masinop ay mas maraming biyayang natatanggap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-14-23-28-31-39.

 

CANCER (June 21-July 22) - Unahin mong ayusin ang gusot sa pamilya mo. Ikaw ang makakapag-ayos dahil may malinis at wagas kang kalooban. Ang maayos na pamilya ay mas mabilis na umaasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-20-29-37-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Habaan mo ang iyong pang-unawa dahil sa araw na ito, ang madidikit sa iyo ay ang mga taong makikitid ang isip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-11-19-22-28-31.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmumula sa malapit na kaibigan mo ang iyong mga suwerte. Pakitaan mo sila ng maganda pero palihim lang. Ito ang kondisyon para malipat sa iyo ang ilang suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-23-31-34-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang iyong alahas na may batong palamuti. Ito ang pinakaepektibong pampabuwenas mo ngayon, kaya isuot mo ito kahit nasa bahay ka lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-21-27-41-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pagtutulungan ng magkakapamilya ang inyong pagkakaabalahan sa araw na ito. Huwag kang gaanong mag-alala, ang langit ay handang tumulong sa iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-33-39-42-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Panatilihin mo ang kababaang-loob. Sa pakikisalamuha sa mga nasa ibaba, marami kang makukuhang magagandang bagay na mapapakinabangan mo sa iyong personal na buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-18-21-24-27.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ka ngayon, pero ang nakakatuwa bago ka suwertehin, magagalit ka muna sa taong malapit sa puso mo. Ang isa pang nakakatuwa ay kambal ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-26-35-41-45,

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawakan mo nang mahigpit ang mga aral sa buhay na natutunan mo sa iyong mga magulang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-22-31-40-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa malapit lang sa iyo ang mga suwerte mo at kung hahanapin mo ito sa malayo, ang payo ay maging malapit ka sa kung sinuman ang makakadaupang-palad mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-16-23-29-34-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page