top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | May 13, 2024 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 13, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 13, 2024 (Lunes): Hahawak ka ng mataas na ranggo, dahil isinilang ka para mamuno at hindi maging isang tauhan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong kapanganakan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ngayon ng langit ng pananaw upang pagandahin ang takbo ng iyong negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-27-33-40-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paangat nang paangat ang iyong kapalaran. Mas gaganda at dadami pa ito. Huwag mong babaguhin ang mga kasalukuyang ginagawa mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-21-24-27-33.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka muna sa mga kaibigan mong mababa ang kalidad ng pangangat’wiran. Mas magandang lapitan ang mga taong may matalas na kaisipan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-22-20-34-42.

  

CANCER (June 21-July 22) - Hanapin mo ang pananaw na mag-aangat sa kabuhayan mo. Ibig sabihin, hindi dapat mababa ang prinsipyong gumagabay sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-16-20-29-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwan mo ang iyong kasalukuyan, obligado ka ngayon pumunta sa mataas na level ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-18-26-28-35-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paboran mo ang mga taong nasa ibaba. Nagkataon lang na sila ay isinilang sa kahirapan, kaya nasa ibaba sila ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-29-32-37-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag marami kang kakilala, mas magtatagumpay ka sa negosyo. Ito ang sikreto na kailangan mong malaman ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-17-22-31-36-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit hindi kapani-paniwala ang mga naririnig mo, huwag kang kokontra. Sadyang ganyan ang buhay ng negosyanteng tulad mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-21-28-34-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makipagsapalaran ka, para manalo ka. Pero sa totoo lang, kahit wala kang gawin, kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-12-24-33-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Buksan mo ang pintuan ng pakikipagkasundo. Mas magandang walang kaaway upang mas mapaunlad mo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-8-17-26-33-39.

  

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin, ‘wag ka mag-alala dahil hindi ka nila tatanggihan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-22-31-41-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilang mga suwerte na mapapasaiyo. Sa ganitong paraan,  kikilos ang langit at ipagkakaloob sa iyo ang mas marami pang suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-25-34-40-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page