Horoscope | May 12, 2024 (Linggo)
- BULGAR

- May 12, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 12, 2024

Sa may kaarawan ngayong Mayo 12, 2024 (Linggo): Gawin mo ang lahat ng kaya mo dahil hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap. Ang aanihin mo ay sobra pa sa iyong inaasam. Ito ang mensahe para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magdamdam. Ang maliliit na bagay ay huwag mong palakihin. Pero sa negosyo, ang maliit na puhunan ay kayang-kaya mong palakihin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-27-33-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang masyadong mag-alala kung magtatagumpay ka o hindi. Gawin mo ang plano mo at huwag mo itong babaguhin dahil ito ang susi mo para sa iyong tagumpay at kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-22-24-36-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Yayanigin ka ng mga pangyayaring sa biglang tingin ay hindi agad mawawala, pero kapag nagpatuloy sa kung ano ang gusto mong gawin, himalang gaganda ang mga kaganapan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-19-23-33-43.
CANCER (June 21-July 22) - Malakas ka at hindi ka mahina tulad ng akala ng isang malapit sa iyo. Sa katunayan, kapag nagkabunggo kayo, siya ang susuko sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-20-25-29-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipahiram mo ang iyong talino, pero sa taong mahalaga at naniniwala lang sa iyo. Malaki ang maitutulong mo sa kanya na pinanghinaan ng loob dahil sa dami ng problema. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-19-27-35-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hintayin ang ayuda. Kumilos ka nang sa gayun ay ikaw na mismo ang makapagbigay ng ayuda sa mga mahal mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-22-28-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maaakit mo ang mga taong mayaman. Gayunman, maaantala ang mga suwerte mo dahil may kailangan ka pang ayusin sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-24-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong saktan ang iyong sarili. Ito ang lalabas kapag muli mong pinag-aralan ang balak mong gawin sa iyong buhay. Bakit itutuloy mo kung ikaw lang din naman ang masasaktan? Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-18-27-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hanapin mo ang magpapasaya sa iyo. Hindi naman ibig sabihin ay tao, puwedeng libangan ang magbibigay sa iyo ng masayang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-19-27-32-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magdagdag ka kung kinakailangan sa pagtulong sa kapwa, pero ang hindi tama ay ikaw na mismo ang papasan na nagsasabing ikaw na ngayon ang kailangang tulungan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-25-37-41-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Awit lang naman ang katapat ng lungkot at ito rin ang pang-akit mo sa mga suwerteng kailangang-kailangan mo. Huwag kang magmukmok at umawit ka ng awit na masaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-09-13-22-28-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ang makikinabang sa mga suwerteng itatapon ng iba. Sa huli, sila ay manghihinayang at maiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-11-27-34-40.



Comments