top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | May 10, 2024 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 10, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 10, 2024 (Biyernes): Marami ang mabibigo, pero ikaw ay mapapabilang sa mga taong magtatagumpay. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Parami nang parami ang magagandang oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Ito rin ay nagsasabing parami nang parami ang bilang ng iyong yaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-18-24-34-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tutukan mo ang pagpaparami ng kabuhayan. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataon ngayon kung kailan mas mapapaunlad mo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-27-33-39-45. 


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magsawa sa mga tinatamasa mong magagandang bagay. Mabilis kang magsawa kaya ipinaaalala sa iyo na sa mga panahong nagsasawa ka, aabante ang iyong mga karibal at kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-23-35-40-41


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong namimintas sa iyo. Mas magandang gayahin ka nila kaysa siraan ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-27-29-38-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Manahimik ka na. Ibig sabihin, tahimik mong tahakin ang landas ng buhay mo kung saan mapupuno ang iyong kaban-yaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-22-32-40-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo panghihinayangan ang pagsisikap mo sa panahong ito. Ngayon magbubunga ang buhay mo tulad ng malagong punong kahoy na hitik na hitik sa matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-13-29-36-39-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magugulat ka at hindi makakapaniwala dahil ang mga suwerte mo ay magmumnula sa iyong mga kaaway, kagalit at kinaiinisan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-21-27-33-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sunggaban mo ang mga magandang oportunidad. Ang isa pang payo ay ayawan mo ang mga dating oportunidad na hanggang ngayon ay nasa harapan mo pa rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-24-39-41-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbabalik ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-12-20-24-35-37.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Susugod ka at ipakikita mo sa mga nasa paligid mo na mali ang akala nila na mananatili kang mahiyain. Ito rin ay nagsasabing mabilis kang aasenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-26-34-41-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang wala ka, ‘yun ang kailangan mo. Kaya ang sinasabi na kung sino ang magkakakulay ang dapat magsama ay hindi para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-22-29-31-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong sayangin ang mga biyayang napapasaiyo kahit gaano pa ito kaliit. Tandaan mo ang katotohanan na ang mga bundok ay gawa sa maliliit na alikabok. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-23-28-34-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page