top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 8, 2022 (Martes)

BULGAR
Mar 8, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 8, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 8, 2022 (Martes): Wala ka nang dapat katakutan pa dahil mas malalaking hamon ng kapalaran ang iyong nilabanan. Kaya sa araw na ito, ang tagumpay sa anumang larangan ay para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kunin mo ang para sa iyo at magugulat ka dahil ang para sa iba na hindi nila pinahahalagahan ay mapupunta sa iyong mga kamay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-27-34-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Habang ang iba ay todo-sikap, ikaw na hindi malaman kung mahiyain o duwag ay dinadapuan ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-29-30-34-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na wala kang iniintindi kahit may mga pinagdaraanan ka o parang hindi umuusad ang buhay mo. Ang sikreto ng kapalaran mo ay nasa simpleng mga pagkilos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-20-21-25-35.

CANCER (June 21-July 22) - Mabigat ang loob mo at magulo ang iyong isip. Hindi naman gaanong mahirap ang sikreto kung paano ka mabubuhay nang masaya. Ang pagpunta sa hardin ay makatutulong sa iyo o ang pagbutingting ng mga halaman sa gilid ng iyong bahay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-21-29-30-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang mangyayari sa iyo. Magsuot ka ng luma na parang wala kang kapera-pera at magugulat ka dahil ikaw ay bubuwenasin. Hindi papayag ang langit na mukha kang walang-wala. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-10-14-21-25-27-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghintay ka dahil darating sa iyo ang suwerte mo. Pero kumilos ka na parang inip na inip ka at ang mga suwerte mo ay mas malaki kaysa sa inaasahan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-22-28-30-31-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang hindi naniniwala na ang kapalaran ay nakatakda at puwedeng ikaw ay isa sa kanila. Kaya lang, ngayon, ang nakatakda ang gustong-gusto mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-24-25-34-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas ang tao ay may kagagawan kaya hindi umuusad ang kanyang buhay. Ngayon at sa mga araw na darating, may pagkukulang ka man o wala, gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-25-26-36-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hinuhusgahan ang tao ng kanyang kapwa batay sa nakikita ng mga mata. Marami ang masisira ang pananaw sa iyo dahil sa tagong galing at husay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-27-29-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pabalik-balik lang ang mga pangyayari sa ibabaw ng lupa. Isang batas ito ng kapalaran na hindi puwedeng pasinungalingan. Ngayon, magbabalikan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-21-24-29-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit hindi ka maniniwala at bilang isang katuwaan, galitin mo ang isa sa malapit sa puso mo. Mamamangha ka sa susunod na kaganapan dahil malalaking buwenas ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-18-22-28-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang gawin mo. Huwag kang tumulad sa marami na nabubuhay sa lungkot at nagkakasakit ay dahil ginagawa ang gusto ng kanilang kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-24-26-39-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page