Horoscope | Marso 7, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 7, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 7, 2022 (Lunes): Malalaki ang suwerte mo sa malayo, pero may suwerte ka rin sa malapit. Kailangang lumayo ka muna nang mapasaiyo na ngayon ang mga nasa malapit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong imahinasyon. Ito ay dahil nagpasya ang langit na sa mga araw na ito ay bibigyan ka ng mayamang imahinasyon. Ang payo ay huwag mong sayangin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-20-24-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang pagkakataong umunlad ang buhay mo sa pamamagitan ng pangingibang-bansa. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-18-23-27-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsisimula nang bumuhos ang mga suwerte sa buhay mo dahil nagsisimula na ring umulan ng mga bulalakaw sa kalangitan. Huwag mong kalimutang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-21-25-31-32.
CANCER (June 21-July 22) - Itinakda na sa araw na ito, kung sino ang masaya, sila ang tatanggap ng maraming biyaya mula sa langit. Magsasaya ka ba o hindi? Dapat ang piliin mo ay ang una. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-20-28-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipinapayo ng iyong kapalaran na huwag mong sayangin ang mga oras at araw mo sa mga taong hindi makaintindi at matitigas ang ulo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-27-31-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakakita ang naghahanap, pero ang ayaw maghanap ay wala nang pag-asa. Hanapin mo ang mga taong nakakatulong sa iyo at lumayo ka sa mga taong sinisira lang ang araw mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-11-18-24-30-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapabibilang ka sa mga makakaranas ng pag-ulan ng mga suwerte sa kanilang buhay. Kaya lang, ang sa iyo ay maaaring masayang kung walang direksiyon ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-19-23-33-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong uminit ang iyong ulo. Nagsasara ang pintuan ng matuwid na katwiran kapag ang tao ay pinagharian ng galit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-13-21-24-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit madalas ay nakakalimutan mong magpasalamat sa langit, patuloy pa ring uunlad ang buhay mo. Ito ang mensahe na dapat mong malaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-20-23-30-42-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inaayos na ng langit ang pundasyon ng masaganang buhay mo. Ito ay nangyayari kahit minsan ay naiisip mong bingi ang nasa itaas sa iyong mga kahilingan sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-26-32-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli kang mananagana. Ito ang utos ng langit kung saan sa araw na ito ay hindi na magbabago. Ito rin ang araw na dapat kang kumilos dahil sa bawat gagawin mo, saganang suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-21-25-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang takdang araw kung kailan pakikinggan ng langit ang iyong kahilingan, kaya hilingin mo na ang pinakagusto mo sa iyong buhay. Humiling ka na ngayon dahil ito ay tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-14-19-28-34-39.




Comments