Horoscope | Marso 6, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 6, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 6, 2022 (Linggo): Kikilos ang iyong kapalaran para sa ikagaganda ng buhay mo. Kahit may pagkakataong nagkakamali ka ng desisyon, gaganda pa rin ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung sino ang nagpapasaya sa iyo, siya ang isama mo sa biyahe dahil siya mismo ang suwerte mo. Mas makabubuti na kung magagawa mo, siya rin ay pasasayahin mo nang sa gayun ay manatili kang suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-23-29-34-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ka, ‘yun ka. Huwag kang tumulad sa iba na pilit na itinatago kung sino sila. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang langit at pagkakalooban ka ng nakagugulat na mga suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-25-36-45-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagkukulang ang nagbabawas, kaya ingatan mong mabawas sa buhay mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng saya at sigla. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-19-21-23-38.
CANCER (June 21-July 22) - Pabigla-bigla ang paglakas ng iyong likas na gayuma. Ang masayang balita ay nagsasabing, ang paglakas ng iyong gayuma ay matataon kapag ang kaharap mo ay iyong kailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-23-28-34-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi tinatamaan ang tinutudla kapag walang konsentrasyon. Ituon mo ang lahat ng kakayahan mo sa sisimulan mong pagkakakitaan. Ito ang susi mo sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-20-28-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pinapalagpas mo ang magagandang oportunidad dahil inakala mo na mahina at hindi mo kakayanin mag-isa ang mga makakaharap mong problema. Ano ang solusyon? Eh ‘di tapangan mo pa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-13-27-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag ka nang mag-atubili na tanggapin ang alam mong may makukuha kang pakinabang. Ang kabagalan, kadalasan ay sanhi ng panghihinayang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-16-29-30-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong tingnan ang hindi magagandang katangian ng isang tao. Ang lahat naman ay may kahinaan. Bigyang-halaga mo ang iyong magagamit sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-15-26-27-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo ang iyong kaharap at huwag kang magtiwala sa naririnig mo. Ang dagdag na payo ay pag-aralan mong mabuti kung sino at ano ang gusto niyang maging bahagi ng buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-13-16-21-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Sobra sa sapat ‘pag ang mga pagsubok na kinaharap mo ay walang puwang para sa mga pasan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-24-31-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matatangay ka ng mabibilis na pangyayari. Ang masayang balita ay nagsasabing masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang tunay mong kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-21-28-30-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga mapagkunwari dahil wala kang magandang makukuha sa kanila. Maaari ka pang mahawa at sa huli ay mawawala sa iyo ang mahahalagang tao sa buhay mo. Mauswerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-15-16-17-25-26-31.




Comments