Horoscope | Marso 5, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 5, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 5, 2022 (Sabado): Huwag kang mag-aalinlangan. Ang payong ito ay para sa lahat, pero higit kaninuman, ito ay para sa iyo at ito ang magiging susi mo sa maraming tagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa bawat kilos mo. Ang kawalan ng tiwala sa sariling ginagawa ay bukas na pintuan sa kabiguan. Muli, magtiwala ka sa bawat kilos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-23-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang maganda sa tingin mo, ‘yun ang piliin mo. Kaya nagtatagal ang mga babae sa pagpili ay dahil nakikialam ang isip sa kung ano ang pipiliin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-20-21-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte mo. May mga suwerte ka rin sa malayo, ibig sabihin, hindi ka mahihirapang pagandahin ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-15-21-28-36.
CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang mga aral sa buhay na nakuha mo sa kabiguan. Hindi na dapat maulit ang nangyari noon kung saan sarili mo ang iyong sinusunod. Kailangang gamitin mo ang mga natutunan mo sa nakaraan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-25-30-42-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sumisilip sa iyo ang malaking suwerte. Hinihintay ka nitong matalo mo ang iyong kahinaan, na higit mong pinahahalagahan ang iba kaysa sa mga tunay mong mahal sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-19-22-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagdaragdag kapag kulang dahil ang kakulangan ay sanhi ng kalungkutan. Dagdagan mo ang iyong inspirasyon, hindi naman palaging maganda na isa lang ang nagbibigay ng sigla. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-17-29-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumabas ka sa masalimuot na kalagayan. Hindi ka isinilang para masaktan at maalipin ng sitwasyong nahihirapan ang iyong kalooban. Ang kaligayahan ay nagmumula sa malaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-16-26-34-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tukuyin mo ang gusto mo sa buhay. Hindi magtatagumpay ang taong hindi alam kung ano ang kanyang gusto. Ito rin ang susi para hindi masayang ang lakas at oras mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-15-22-28-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong itago ang galing at husay mo. Dahil nagkakamali ang marami sa pag-aakalang ang kanilang mamahaling hiyas ay dapat nilang itago at huwag nang ilabas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-14-20-22-29.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mabuti na nag-iisa. Gayunman, ang pag-iisa ay puwede rin, pero pansamantala lang habang hinihintay pa kung sino ang itinakda ng kanyang kapalaran. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-13-28-33-37-43-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi makagaganda sa iyo ang nag-uumapaw na kaligayahan. Kaya ibahagi mo sa mga malalapit sa iyo ang kasiyahan mo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-24-29-32-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itaas mo pa ang iyong ambisyon at dapat ay mataas na mataas ito. Mahirap paniwalaan na kaya ka nabigo ay dahil ang iyong ginusto ay mababa para sa iyo. Dapat mong malaman na ikaw ay nakalaan sa mga dakila at malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-17-20-29-33-41.




Comments