top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Marso 4, 2021 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 4, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 4, 2021 (Huwebes): Hindi sinasadya na nabibigyan mo ng mga suwerte ang ilang nagiging bahagi ng iyong buhay. Ito ay nangyayari dahil inuuna mo ang kapakanan ng iba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa malalaking pangarap ang suwerte mo kaya hindi makabubuti kung tututukan mo ang maliliit mong pangarap. Muli, malalaking pangarap ang dapat mong unahin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-17-20-23-27-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simple at madaling gawin ang hakbang kung paano ka bubuwenasin. Kaya sundin mo ito at palagi kang maglinis ng bahay at magugulat ka dahil magdaratingan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-22-23-39-40-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit may lungkot ka, subukan mong magsaya. Dahil kahit noon pa man, ‘pag masaya kang kumikilos, ang magagandang bagay ay napasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-21-28-31-37.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil naniniwala ka sa sinasabing kailangang pagpawisan ang tao para gumanda ang buhay. Para sa iyo, kahit hindi ka na magpagod, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-24-27-35-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang ang nababalitaan mong marami ang nagnanais na bumagsak ka. Hindi naman sila magtatagumpay dahil ang mismong langit ay nasa iyong tabi at iyong kakampi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-23-27-30-33-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat makumpiyansa sa magandang takbo ng negosyo. Kailangan pa ring gamitin ang kakayahan mo sa pagtutuos kung saan ang bawat sentimo ay alam mo kung saan napupunta. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-16-28-32-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka nag-aalala sa kinabukasan ng ibang tao? Ang unahin mo ay kung paano magiging maayos ang iyong kinabukasan. Ito ang payo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-22-29-33-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang nakadikit sa iyo, sa kanya mismo magmumula ang mga suwerte mo. Ang totoo nga, mismong langit ang lihim na nag-utos na ikaw ay kanyang dikitan ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-28-31-34-36-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bigyan mo ng alalay ang mga nasa ibaba. Matutuwa ang langit at ang mga biyaya ay magdaragsaan sa iyong buhay para magawa mo nang madalas ang pagkalinga sa mga nasa ibaba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-21-23-28-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pasukin ang masasalimuot na suliranin. Mas maganda na tahimik ka at hindi nakikisangkot sa gulo ng iba. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-21-23-37-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan, hindi kailangan ang maraming kasama para ikaw ay sumaya. Mas mataas na antas ng ligaya ang madarama mo kapag hindi gaanong marami ang iyong kasama. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-24-25-28-39-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong dagdagan ang iyong problema. Hindi maganda kung kukuha ka ng bagong obligasyon. Huwag mong kalimutan na malakas magpahina ng katawan ang mabibigat na pasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-21-27-28-38-42.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page