Horoscope | Marso 30, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 30, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 30, 2022 (Miyerkules): Hindi ka pa puwedeng mamahinga dahil hindi mo pa naaabot ang pinakamataas na kalagayan na inilaan sa iyo ng kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang bagong buhay na mangyayari sa iyong kaarawan nang nakataas ang iyong ulo. Magtiwala ka sa iyong kakayahan na ang hinahangad mong pag-unlad ay makakamit mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-24-30-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mo nang hintayin pa ang sinasabi mong bigyan ka ng senyales para simulan ang iyong pangarap na pagkakitaan. Ipakita mo sa langit na ang plano o bagay na ito ay talagang gusto mo at gagawin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-12-28-31-36-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Nasobrahan ang iyong saya sa nakaraang mga araw kaya kahit mas masaya ang mga susunod na araw, bawas na ang pakiramdam mong kailangan mo pa ang pagsasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-28-31-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Lumalakad ang mga panahon at naiiwan ang walang pangarap. Bakit ka papayag na maiwan, gayung may pangarap ka naman? Kumilos ka at dapat ay ngayon na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-24-28-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Totoo ang iyong pakiramdam na sa susunod na taon ay maraming suwerte ang dadapo sa iyo. Pero kung hindi ka magpapahalaga sa mga biyayang kaloob ng langit, sayang lang ang mga ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-21-25-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dinadagdagan ang kulang at ang sobra ay binabawasan. Kulang na kulang pa ang pagkilos mo at sobra ang pagpaplano mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-22-28-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang paulit-ulit na kapalaran mo dahil sa biglang tingin, dinadaan mo lang sa pangiti-ngiti ang buhay mo na parang ang mga ngiti ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-26-34-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtiwala. Ito ang payo para hindi ka magsisi. Ito rin ang payo, lalo na ngayon at sa darating na mga araw. Kaya higit kailanman, muli, huwag kang magtiwala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-17-20-21-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Totoong sa mga araw na nagdaaan at ngayon, halos lahat ay sinusuwerte at masaya. Higit sa lahat, sa susunod na taon, ikaw ang pinakabuwenas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-28-30-33-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Usong-uso ngayon ang “hugot”. Ang payo sa iyo ay nagsasabing, humugot ka ng lakas sa mga nagbibigay sa iyo ng inspirasyon. Ito ang susi sa mabilis na pagyaman. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-8-11-18-26-36-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibilis ang kaganapan na iyong ikagugulat. Pero sa iyong pananahimik, papasok sa iyong isip na malalaki at marami ang magiging pakinabang mo sa mga nangyayari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-9-18-20-25-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masyadong magulo ang iyong isip. Mas mabuting ang nauna mong plano ang iyong tuparin at gumawa lang ng pagbabago kapag kinakailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-7-11-18-24-26-38.




Comments