Horoscope | Marso 3, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 3, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 3, 2022 (Huwebes): Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran. Masaktan ka man o kahit ano pa ang iyong maranasan, ang katuparan ng iyong ambisyon ay ginagarantiyahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mamuhunan ng sobrang laki. Hindi palakihan ang pagsisimula ng negosyo. Kung maliit pa lang ang posibleng kitain, maliit lang din dapat ang puhunan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-20-23-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itago mo kung ano ang kaya mo at iba mo pang mga mapagkukunan. May ilan kang kakumpitensiya na sinusukat ang kakayahan mo nang sa gayun ay madali ka niyang matalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-18-20-25-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag-kaalaman pa ang kailangan mo nang sa gayun ay mas malayo ang marating mo. Hindi maganda na ang tao ay nakukuntento lang sa kung ano ang mayroon siya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-22-26-31-32.
CANCER (June 21-July 22) - Anumang oras, puwedeng tapusin ang gustong bigyan ng katapusan. Hawak ng tao ang simula at huli para sa kanya. Ang mahalaga ay tanggapin kung ano ang kahihinatnan ng lahat. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-18-26-38-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pansamantala lang naman ang mahigpit na pagkontra sa iyo. Parang ningas-kugon na malakas ang apoy sa una at biglang mawawala. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-15-19-25-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagsisimula na naman ang iyong sigasig. Huwag mo itong patayin tulad noon na ikaw na mismo ang tumatalo sa iyong sigla dahil nag-iisip ka ng negatibong bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-16-31-32-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sanay ka naman sa sabay-sabay. Ang payo na magdahan-dahan ka ay ‘di uubra sa iyo. Mas magandang sabayan mo kung ano ang inilalagay ng kapalaran sa harapan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-27-36-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hanapin mo kung saan ka maluluwagan. Ang buhay sa mudo ay hindi paghahanap ng mahirap na paraan para mabuhay. Huwag kang tumulad sa iba na pinahihirapan ang sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-29-30-31-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi na puwedeng ibalik sa bibig ang mga salitang lumabas. Mag-isip ka munang mabuti bago magsalita. Ang payo ay nagsasabing ikonsidera mo ang damdamin ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-15-18-27-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumustahin mo ang nasa malayo dahil mas maganda na ikaw ang unang bumati. Magugulat ka sa mangyayari dahil tatanggap ka ng malalaking biyaya na lubos mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-28-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humingi ka ng kahit ano’ng pabor sa malapit sa iyo na mataas ang ranggo o mas mataas sa iyo ang posisyon. Makakaasa ka na ibibigay niya ito sa iyo at higit sa hiniling mo ang mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-21-25-28-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mapagkunwari ang mga tao. May isang magkukunwari na galit sa iyo, pero ang totoo, gusto niyang mas mapalapit ka sa kanya dahil nagseselos siya sa mga taong sobrang dikit sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-1-15-20-21-25-32.




Comments