top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 28, 2022 (Lunes)

BULGAR
Mar 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 28, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 28, 2022 (Lunes): Kusang nagdaratingan sa iyo ang mga suwerte na parang sobrang espesyal ka sa mga mata ng langit. Huwag mong sayangin ang mga suwerte mo, sinupin mo ito.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabibigo ang magtatangkang bigyan ka ng kalungkutan at kapag sila’y nagpumilit, sila mismo ang malulungkot at hindi mawawala sa matagal na mga araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-20-25-39-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malaking biyaya ang mapasasaiyo na kapag pinarami mo ay uunlad nang todo ang buhay mo. Kaya ang payo, paramihin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-7-10-13-15-26-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo ang magaganda sa maririnig mo na alam mong makakatulong sa pagpapalago ng iyong kabuhayan. Ingatan mong makuha ang mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-12-27-39-40.

CANCER (June 21-July 22) - Maghintay ka at huwag kang mainip. Kadalasan, sa pagkainip ay naiirita ang tao at lalong nagtatagal ang magagandang kapalaran na kanyang inaasam-asam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-20-24-26-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bubukas ang pintuan ng grasya na nasa langit. Ang masuwerteng balita ay sa iyo ito nakatapat. Ihanda mo ang iyong sarili at itakwil ang masasamang ugali at umawit ka ng mga papuri. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-18-26-32-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pinagmamasdan ka ng langit sa iyong pananahimik at nabasa ang iyong isip na ang una mong gagawin ay ang tumulong sa kapwa kapag sinuwerte ka. Oo, susuwertehin ka na ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-17-29-33-41-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang humahanga sa iyong ganda at galing. Huwag mong ipagdamot ang kaalaman mo dahil kapag ang tao ay hindi madamot, ito ay dagdag na ganda para sa kanya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-20-24-25-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang kasiguraduhan ang mga mabilisang pagkilos dahil wala rin namang planong ginawa. Planuhin mo ang iyong buhay at makikita mong makakabuo ka ng malapalasyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-violet.Tips sa lotto-13-16-22-27-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umangkas ka sa umaandar na. Mas magandang sumali sa umuunlad nang negosyo kaysa magsimula ng bago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-16-23-38-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon, ang langit ay sasagot sa mga kahilingan mo. Kaya samantalahin mo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Hilingin mo na ang pinakagusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-29-35-31-32-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagulat ang iyong kapalaran at marami ang magtataas ng kilay dahil sa biglang tingin, wala ka namang karapatan para dumating sa iyong buhay ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-21-27-30-40-42-46.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, magsaya ka dahil muling magaganap na kapag masaya ka, ang magagandang kapalaran ay kusang dadapo sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-20-22-27-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page