top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 27, 2022 (Linggo)

BULGAR
Mar 27, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 27, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 27, 2022 (Linggo): Kahit makuha mo ang gusto mo, hindi pa rin tapos ang lahat sa iyo dahil ikaw ay para sa maraming pagtatagumpay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madadalian ka sa mga gusto mong mangyari, kaya maghahanap ka ng mahihirap na proyektong hahamon sa iyong kakayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-27-30-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpatulong ka kung kinakailangan. Kung kaya mo rin, bakit ka pa maghahanaap ng katuwang? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay aasa ka sa iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-18-24-28-35-41-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag na lakas ang kailangan sa mas mabigat. Kaya dagdagan mo pa ang iyong pagsisikap dahil ang gusto mo ay hindi madaling nakukuha ng kahit na sino. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-23-36-37-45.

CANCER (June 21-July 22) - Unawa ang dapat sa hindi makaunawa. Pag-ibig naman ang pantapat sa galit. Mahirap sundin ang dalawang ito, kaya lang, kailangang gawin mo para na rin sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-24-29-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Alam naman ang sagot pero nagtatanong pa. Mararanasan mo ngayon ang ganito dahil may ilan sa tabi mo na mapagkunwari kaya mag-ingat ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-26-30-34-38

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mahirap hanapin ang ginto dahil ito ay kumikinang. Gawin mong batayan ang ugali ng isang tao na kahanga-hanga dahil kakaiba ang ganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-29-31-35-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bumubuhos ang ulan at natutuwa ang lupang sakahan, ganundin ang mga halaman. Bubuhos ang mga suwerte mo. Matutuwa ka nang husto, gayundin ang mga nasa paligid mo na palaging nanghihingi ng tulong mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-23-39-40-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ginawa mo na ang lahat, pero parang walang talab. Hayaan mo na lang at maghintay ka ng mga araw dahil sa huli ay mauunawaan mo na ikaw ang nakakahigit sa iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-23-38-40-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dito sa mundo, ang sabi, lahat ay natatapos pero may pagkakataong ang tapos na ay muling nagsisimula. Ihanda mo ang iyong sarili sa pakikipagbalikan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-25-27-35-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kunin mo ang gusto mo, pero dapat ay ‘yung talagang kailangan mo lang. Ang totoo, hindi naman sobra ang gusto mo kundi sapat lang para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-25-27-30-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit hindi mo gusto ang iyong naririnig, hayaan mo lang na magsalita nang magsalita. Dahil kapag ang tao ay hinahadlangan sa gusto niyang sabihin, lalo siyang nagagalit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-11-15-26-32-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bumilang ka ng sampu kapag napansin mong uminit ang iyong ulo. Muli kang bumilang at ang bilangin mo naman ay magagandang nagawa sa iyo ng taong kinagagalitan mo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-6-14-16-29-30-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page