Horoscope | Marso 26, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 26, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 26, 2022 (Sabado): Marami ang yumayaman dahil sa iyo. Puwede ka ring yumaman kasabay ng pagyaman nila. Ito ang payo ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang iyong pampasuwerte ngayon o anumang bagay na may metal. Puwede rin ang anumang uri ng kasuotan, kaya lang, kailangan ay may metal, puwede ring personal na gamit na may metal na dekorasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-24-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sundin mo ang payo na lumakad ka nang walang sapin sa paa sa loob ng iyong bahay. Ito ang susi nang sa gayun ay maglapitan sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-8-13-25-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi tao o bagay ang iyong pampabuwenas kundi ang bilis ng pagpapasya at pagkilos. Isabuhay mo ang pagiging mabilis sa anumang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-20-24-27-46.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang pampabuwenas mo ngayon. Ang mga taong panggulo sa buhay mo ay magbibigay sa iyo ng nakagugulat at nakamamanghang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-14-15-23-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang nasa iyo na ang hiniling mo sa langit at magkakatotoo ito na mapasasaiyo nga. Ito ang kahulugan ng ‘pag may paniniwala sa sarili, makukuha kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-22-28-34-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang magbibigay sa iyo ng magandang buhay ng kasaganaan at yaman. Kaya kahit kailan at kahit ano’ng sandali, huwag mong bibitawan ang talas ng iyong isipan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-21-27-33-35-40-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang suwerte mo sa araw na ito. Magsisilayasan at ‘wag mo nang pabalikin pa sa buhay mo ang mga pinanggalingan ng iyong kamalasan sa buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-16-20-32-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lakas ng loob ang iyong pampabuwenas. Madali lang gawin dahil simpleng lang, lakasan mo ang iyong loob na gawin ang mga bagay na noon pa man ay gustong-gusto mo nang maabot. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-22-24-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang ikaw ang amo kahit may nakakataas sa iyo. Sa huli, sa maniwala ka o hindi, ikaw ay magiging amo na mas mataas sa tunay mong amo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-12-26-32-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pumunta ka sa lugar kung saan malago ang mga halaman. Ito ay pampasuwerte mo ngayon na nagsasabing, kusang lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-26-34-43-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aliwalas at hindi makalat. Ito ang pampabuwenas mo ngayon. Bigyan mo ng bagong anyo ang iyong tahanan nang sa gayun ay magdatingan sa buhay mo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-15-21-28-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kakalimutan na susuwertehin ka ‘pag pumunta ka sa tabing-dagat. Hindi man ngayon, puwedeng sa ibang araw, basta ang mahalaga ay alam mong ito ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-16-23-40-46.




Comments