top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 24, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Mar 24, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 24, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 24, 2022 (Huwebes): Lahat ng maganda ay para sa iyo, dahil sa ganitong paraan kumikilos ang kapalaran mo. Kaya anuman ang iyong nararanasan, ang mga ito ay magsisiganda rin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pakinggan mo ang payo ng iyong sarili na ang kagandahan ay magbibigay sa iyo ng sigla at inspirasyon. Ang mga ito ang kambal na puwersang magdadala sa iyo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-19-20-25-36-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang kailangan para masimulan mo na ang hakbang sa kaunlaran. Hindi puwedeng umasenso ang isang tao na plano lang nang plano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-18-24-29-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nabubuhay ang tao sa salita lamang. Kailangan ng tao ang pagkain at ang pagkain ay nagmumula sa pagkilos at hindi sa pagsasalita nang pagsasalita. Kumilos ka na ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-16-25-27-41-45.

CANCER (June 21-July 22) - Kapag hindi na kaya ng ulap ang naiipon na tubig, asahan mong bubuhos ang malakas na ulan. Huwag mong ipunin ang iyong sama ng loob, kailangang maihayag mo na ang mga ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-24-27-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng nasa iyo na. Sundin mo dahil ito ang pinakamabisang pormula nang sa gayun ay dumating sa buhay mo ang mga bago at sariwang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-23-27-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihinto ang orasan ng kapalaran na may kaugnayan sa mabilis na pagpapayaman kapag hindi makaiwas sa walang katapusang pagtatalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-18-21-25-26.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit ano ang gawin sa iyo, malabong mawala ang suwerte mo. Kahit bumagsak ka, muli kang aangat at ang mga kaaway mo ay magiging tuntungan ng iyong mga paa para lalo ka pang umangat at magtagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-28-32-36-41-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maiirita ang maraming gustong dumikit sa iyo. Pero ito ay isang malinaw na palatandaan na ang magagandang kapalaran ay magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-24-27-33-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapalit ng inspirasyon ang tao dahil dito sa mundo, kumukupas ang lahat ng bagay. Ibinabalita ng iyong kapalaran na magkakaroon ka ng bagong inspirasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-13-22-24-30-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bagong kasuotan, bagong kapalaran. Subukan mo ito at magugulat ka at hindi makakapaniwala na magbabago ang lahat sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-29-30-31-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Naglalabasan na ang mga bagong usbong ng halaman. Ngayon ang panahon ng pagkalimot sa nakaraan. Harapin mo ang buhay na taglay ang bagong sigla at lakas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-15-28-32-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nasa harap mo, ‘yun ang para sa iyo. Kumbaga, kung ano ang nakahain sa hapag-kainan, ‘yun ang inihahanda ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page