top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 23, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Mar 23, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 23, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 23, 2022 (Miyerkules): Sa panahong ito, mabibilis ang magagandang oportunidad na lumalagay sa iyong harapan. Kaya ang payo ay bilisan mo at huwag kang mag-alinlangan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan dahil ang araw na ito ay masuwerte para sa negosyo, maliliit man o malalaki. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-30-31-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaiba ang saya mo ngayon na nagsasabing, nasasagap na ng iyong sarili ang magagandang kapalaran na noon mo pa hinihiling sa langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-25-29-30-35-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hindi makakaporma ang iyong mga kaaway dahil kapag ginawa nila, tiyak na langit ang kanilang makakabangga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-27-30-33-36.

CANCER (June 21-July 22) - Suwerte ka ngayon at sa iba pang mga araw. Para lalo kang sumaya, pasayahin mo ang ilang malalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-25-37-40-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit wala kang gawin, kailangan mong kumilos. Hindi makakabuti ang kawalan ng aktibidad sa mahabang panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-21-24-29-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadalawin ka ngayon ng suwerte at kapag nasumpungan ka na may positibong pananaw, maraming suwerte ang darating sa iyo at ang mga ito ay tiyak na magtatagal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-21-23-37-40-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mabibigo ngayon dahil ang totoo, ayaw ng langit na ikaw ay palaging bigo, kaya kahit may ilang dapat na itama sa iyo, babalewalain ito ng na nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-26-38-40-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanda ka dahil ang may kahabaang araw ng pamamasyal ay mangyayari sa iyo. Mas maganda na ngayon pa lang ay tapusin mo na ang mga dapat tapusin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-14-15-27-30-31-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpapatuloy ang iyong masuwerteng araw sa pagpaparami ng kinikita. Sinupin mo ang mga ito nang sa gayun ay ‘pag kailangan ang sobrang malaking puhunan ay may magamit ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-28-30-37-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbalik ang saya mo. Oo, siya na nagpasaya sa buhay mo ay nagbabalik sa iyo. Gayunman, kung masaya ka na ngayon, puwedeng huwag mo na siyang pansinin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-21-25-28-34-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung gusto mong sumaya, papayag ang langit. Kung gusto mo ring pasayahin ang iba, gagawa ng paraan ang langit para kayo ay sumaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-22-24-25-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa tabi mo lang ang iyong mga suwerte na kapag kinailangan mo ay mabilis kang susuwertehin. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-25-27-36-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page