Horoscope | Marso 22, 2022 (Martes)
- BULGAR
- Mar 22, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 22, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 22, 2022 (Martes): Mahirap paniwalaan, pero ang mga suwerte mo ay nagmumula sa iyong mga kaaway. At lalong hindi kapani-paniwala na marami kang suwerte dahil marami kang kaaway.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagkukubli sa mga pangyayaring sa biglang tingin ay hindi mabuti para sa iyo, pero ang totoo, magagandang kapalaran ang magiging resulta nito. Kaya tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan sa iyong buhay ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-23-28-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang darating sa iyo ang mga suwerte mo, kaya ang mga hinanakit mo sa langit na parang nakakalimutan ka na ay mapapalitan ng kakaibang saya at pasasalamat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-28-32-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Dumikit ka sa mga masigla at mawawala ang pananamlay mo. Hindi lang sakit ang nakakahawa dahil maging ang masisiglang kilos ay ganundin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-14-23-25-34.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda na madagdagan pa ang lungkot mo. Mamasyal ka at magbilang kasama ang mga kaibigang may masayang personalidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-6-20-29-41-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sarado ang pang-unawa ng taong galit. Maghintay ka na humupa ang kanyang galit. Puwede ring pakitaan mo siya ng maganda, pero sa pamamaraan na wala kang anumang sasabihin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-22-23-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sumandal ka sa pader. May mga pagkakataon na hindi mo kaya ang mga pangyayaring mas malakas kaysa sa mga pinagdaanan mo at ito ay ngayon na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-15-29-33-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Ganu’n lang ang gawin mo at sa huli, matatagpuan mo ang iyong sarili na sobrang saya na yakap-yakap ang iyong mga tagumpay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-11-26-36-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paminsan-minsan, hindi sinasadyang sinasaktan ng tao ang kanyang sarili. Ito mismo ang mangyayari, kung saan ang mga kilos ay makakasakit sa iyong sarili. Ito ang mensahe sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-22-27-36-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit mabagal ang mga kilos mo, makakabuti sa iyo ito dahil sa kabagalan, nakukuha mong mag-isip ng mas magandang gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-25-30-33-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutukan mo ang gustong-gusto mo. Kahit ano ang mangyari, ipakita mo na ito ay gustong-gusto mo. Sa huli, sasaya ka dahil walang kahirap-hirap na ito ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-24-28-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pares-pares ang lahat ng bagay. Mayroong walang kapares pero siya’y nabubuhay sa kalungkutan. Hindi puwede sa iyo ang mabuhay sa kalungkutan, kaya hanapin mo ang iyong kapares. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-13-15-21-24-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil kung sino ang parang galit na galit sa iyo, siya pa ang maiinlab sa iyo nang todo. Ito ang nakakagulat na mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-20-26-34-36.




Comments