Horoscope | Marso 21, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 21, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 21, 2022 (Lunes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na kahit gaano katayog ang iyong pangarap, tiyak na ito ay maaabot mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang pinakamalakas na sandata upang maabot mo ang iyong mga kagustuhan at hindi ka mabibigo. Sa pagtitiwala sa sarili, ang lahat ay magiging positibo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-29-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malalakas ang aalalay sa iyo. Ang mga may sinasabi ay bibigyan ka rin ng pabor. Kaya ngayon ang pagkakataon upang makuha mo ang pinakagusto mo sa buhay. Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito, sumugod ka nang sumugod. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-19-20-23-27-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Kambal na suwerte ang mapasasaiyo. Pero may kondisyon na nagsasabing patawarin mo ang nagkamali sa iyo, na ang kanyang pagkakamali ay huwag mo nang ungkatin pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-15-23-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Muli, dumikit ka sa alam mong may maitutulong sa iyo. Hindi ka mabibigo kapag pinakitaan mo siya ng maganda kung saan pasasayahin mo kahit sa pamamagitan ng maliliit na bagay. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-7-25-28-34-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang malakas ngayon. Hindi maganda ang ganitong bagay. Ang payo ay nagsasabing magpakumbaba ka dahil sa pagpapakumbaba, ang mga suwerte ay kusang lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-9-14-22-31-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang kapintasan ng kapwa. Magsasayang ka lang ng mahahalagang panahon na puwede mong magamit para mas mapaunlad mo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-5-17-29-31-43-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukuha pa ng mas malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo na may paalala na ngayon ay nahaharap ka sa masayang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-16-26-34-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpapalit ng ginagamit mong susi ng tagumpay. Ito ang pinakamabuti para sa iyo, hindi mo dapat gamitin ang mga bakak mong gayahin na hindi naman sapat ang iyong kaalaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-20-23-33-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag hindi mo nakuha, hindi para sa iyo. Hindi mo na kailangan pang kunin ang talagang para sa iyo dahil mismong kapalaran ang magbibigay sa iyo nito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-23-35-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tanggapin mo ang inaalok sa iyo na alam mo ring ikauunlad ng buhay mo. Lakasan mo ang iyong loob dahil ang mahihina ang loob, kahit kailan ay hindi na aasenso pa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-21-26-29-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Noon pa man, ang nawawala sa iyo ay napapalitan ng mas maganda at kapaki-pakinabang. Bakit ka malulungkot sa mawawala sa iyo? Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-4-17-24-26-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Makikita mismo ng iyong mga mata ang pagbagsak ng mahihigpit mong kaaway. Gayundin, makikita mo na ang mga suwerte ay nagdadagsaang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-28-30-33-38.




Comments