Horoscope | Marso 21, 2021 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 21, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 21, 2021 (Linggo): Iisa lang ang patutunguhan ng iyong kapalaran at ito ay ang lubusang katuparan ng iyong mga pangarap sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi dapat maubos ang mahahalagang oras mo sa mga taong hindi naman nakikiayon sa iyong mga kagustuhan. Huwag mo silang pansinin. Ginto ang bawat oras para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-33-37-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Lihim na kumikilos ang langit nang sa gayun ay mabigyang-daan ang katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-22-28-31-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang maliit. Oo, ‘yung maliit dahil ayon sa kapalaran, para sa iyo, magsisimula ang malalaking bagay sa maliliit na bahagi ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-14-28-30-37.
CANCER (June 21-July 22) - Kailangan mo sa iyong tabi mo ang malalakas na loob. Sila ang tatangay sa iyo kung saan abot-kamay mo ang iyong pangarap at ang isa pa, sa totoo lang, sila rin ang iyong ligaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-22-24-43-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi basta-basta sinusugod ang gustong makuha. Tinitingnan muna ito at saka lalapitan. Ito ang hiwaga ng kalikasan na may kaugnayan sa lahat ng may buhay at may pinapangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-15-20-21-24-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong maraming laman ang isip mo. Magbawas ka at ang itira mo lang ay ang madali at mabilis mong magagawa. Ito ang sikreto para sa iyong mas maunlad na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-15-24-32-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mabibigo kapag ginawa mo ang ginawa ng iba kaya sila nagtagumpay. Huwag ka nang sumubok pa ng bagong ideya o pormula na puwede mo pang ikapahamak. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-15-21-26-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makigulo sa magulong sitwasyon. Hayaan mo sila sa kanilang kursunada. Ang para sa iyo ay tahimik kung saan ang inaasikaso ay kung paano lalong uunlad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-7-14-15-23-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag magkakatabi ang mga bahay, walang pag-asenso. Puwede ring umabante ang buhay sa ganu’ng pamayanan kapag tahimik na nabubuhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-18-20-22-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatag ng kalooban ang iyong kailangan. Kusang naglalayasan ang mga pagsubok ‘pag nakita nilang ang tao ay may matatag na personalidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-20-24-29-30-33-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahan-dahan mong balikan ang iyong nakaraang kabiguan. Nagkamali ka dahil sa bilis mong magpasya. Ngayon, hindi ka mabibigo kapag habang kumikilos ay nag-iisip ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-14-18-20-24-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil kahit hindi ka naniniwala na ikaw ay bubuwenasin, mapasasaiyo pa rin ang magandang kapalaran na labis mong ikagugulat. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-17-19-24-38-41.




Comments