top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 20, 2022 (Linggo)

BULGAR
Mar 20, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 20, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 20, 2022 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Kaya ang mga lantad at lihim mong kaaway ay walang magagawa kundi ikaw ay tuluyang pabagsakin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang sagot sa mainit na ulo. Unawa naman ang kailangan sa hindi makakaintindi. Sa ganitong paraan, sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-20-29-34-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sarili mo ang unahin mo bago ang iba. Ito ang ibig sabihin ng magpalakas muna ang mahina para matulungan niya ang kanyang kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-15-28-31-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Kumuha ka ng lakas sa mga napagtagumpayan mo nang mga hamon ng kapalaran. Sobra sa sapat ang makukuha mong tapang para manalo ka sa mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-21-25-29-34.


CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon ang pagkakataong masasabi mo sa langit ang iyong malalaking kahilingan. Gagawa ng paraan ang langit kahit ang mga ito ay may pagkaimposible. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-21-24-42-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gagabayan ka ngayon ng iyong damdamin. Sa una, hindi papayag ang iyong isip, pero sa huli, damdamin mo ang iyong susundin dahil ito ang mas makakabuti para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-23-26-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Higit sa lahat, asikasuhin mo ang iyong problema sa pag-ibig. Kapag maganda ang takbo ng relasyon, ang lahat ay magiging maganda na rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-27-30-43-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ituloy mo ang bagong pagkakakitaan na noon mo pa naiplano. Sapat ang naging paghahanda mo para ito ay mabilis mong mapaunlad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-16-25-33-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa isip mo lang ang takot. Kapag kumilos ka nang kumilos, ang takot mo ay mawawala na para bang nagsasabing, likhang-isip mo lang ang iyong kinatatakutan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-21-28-31-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang maitutulong mo sa iyong kapwa kapag ibinahagi mo ang iyong mga karanasan. Ang totoo nga nito, higit pa sa ginto ang mga aral sa buhay na makukuha sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-19-20-24-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong banggain ang mas malakas sa iyo. Lumayo ka muna at hihina rin siya. Magkakaroon ka ng tsansa na siya ay matalo, gayundin, siya pa ang kusang susuko sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-21-26-35-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isip ang paganahin mo. Kaya bawasan mo ang iyong kakulitan at pagpupumilit. Sa iyong pananahimik, gumawa ka ng plano kung saan ang bawat ikikilos mo ay iyong kalkulado. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-20-21-23-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iatras mo ang iyong ginagawa kung kailan nahihirapan ka. Huwag kang mag-ubos ng lakas sa wala namang nakikitang magagandang resulta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-12-25-28-31-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page