top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 2, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Mar 2, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 2, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 2, 2022 (Miyerkules): Napakalakas ng iyong damdamin. Ito rin ay nagsasabing, ang madikit sa iyo ay maaakit mo nang husto. Ang kakaibang katangian mong ito ay gamitin mo sa mabuting hangarin.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isip ang paganahin mo at mananatili ka sa tuwid na landas ng buhay. Kung emosyon ang gagamitin, masasayang ang mga masuwerteng araw mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-18-25-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapusin mo ang kailangang tapusin. Hindi puwede na pabayaan mong nakabitin ang mahahalagang gawain. Labanan mo ang katamaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-24-29-30-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang takbo ng kapalaran mo dahil makikitang ikaw ay lumalapit mismo sa tukso. Dapat mong malaman na ang tukso ay sagabal sa pag-asenso ng tulad mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-23-31-33.

CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Pasayahin mo ang malalapit sa iyong buhay. Kapag nagawa mo ito, magugulat at mamamangha ka dahil lalo kang susuwertehin at sasagana. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-19-20-29-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang. Hindi maganda ang pagkakaluto kapag ang apoy ay masyadong malakas. Ito ang gawin mong gabay sa buhay, hindi lang ngayon kundi magpakailaman. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-21-27-30-36-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang problema na hindi mo kayang ayusin. Sobra sa sapat ang iyong angking talino at karanasan sa pagresolba ng mga problemang mahihirapan ang iba na solusyunan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-15-22-28-35-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aayusin ng langit ang hindi mo maayos sa iyong buhay. Ito ay para patunayan na ikaw ay espesyal sa mga mata ng langit. Magpasalamat ka sa nasa itaas, ito ang iyong obligasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-30-31-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Isa itong sikreto ng positibong kaisipan na nagsasabing, kung ano ang laman ng isip ay tiyak na magkakatotoo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-15-29-31-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumaba ka, ibig sabihin, makihalubilo ka sa mga pangkaraniwang tao. Mula sa kanila, may matutuklasan kang lihim ng buhay kung kailan kakaibang saya ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-12-24-25-34-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagmamadali ang mga suwerteng noon pa ay para sa iyo na, kaya lang naantala ito dahil sobra kang negatibo. Ngayon, negatibo ka man o hindi, iyung-iyo na ang mga ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-20-27-34-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nananatili ang hangin sa iisang lugar. Ito ang lihim na dahilan kaya madali kang magsawa sa lahat ng bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-23-28-31-36-44

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pabalik-balik lang ang mga karanasan. Ngayon nakatakda kayong magkabalikan ng isang nagbigay sa iyo ng sarap ng buhay na hindi mo agad nakalimutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-25-26-34-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page