Horoscope | Marso 19, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 19, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 19, 2022 (Sabado): Masayang buhay ang para sa iyo. Magpakaingat ka dahil madalas, ang saya ay hadlang para lalo pang magsikap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magara ang mangyayari sa iyong kapalaran ngayong tag-init. May mga regalo kang matatanggap mula sa langit. Ihanda mo ang iyong sarili dahil mas marami pa ang suwerteng paparating. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung nasaan ka, darating sa iyo ang mga suwerte. Kaya huwag ka munang magbago ng lugar o pinapasukan. Ito rin ay nagsasabing hindi ka dapat magpalit ng pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-29-30-33-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Inaayos pa ng kapalaran ang takbo ng iyong buhay dahil ikaw ay natagpuang mabilis magpasya na parang hindi ka gaanong nag-iisip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-26-30-31-37.
CANCER (June 21-July 22) - Mapupuno ka ng saya ngayon at sa darating pang mga araw. Huwag na huwag kang malilibang. Baka makalimot ka na ikaw ay may mga pangarap na kailangang tuparin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-16-22-28-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon ang pagkakataon na noon mo pa hinihintay kung kailan papabor sa mga kagustuhan mo ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-29-32-38-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isip ang magdadala sa iyo ng tagumpay at hindi ang iyong damdamin. Kaya mas makabubuti na palagi mong bitbitin ang talas ng iyong isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-16-27-36-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka. Parang ito ay hindi gaanong maganda, kaya lang, sa ayaw o sa gusto mo, ito ang mararanasan mo palagi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-18-20-24-28.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ganito ang sabi, daig ng maagap ang masipag. Pero ikaw, daig mo ang maagap at masipag dahil ang mga suwerte ay magdaragsaan ngayon sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-21-29-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil ang ayaw sa iyo ay magugustuhan ka. Mabibigla at iiwas ka, pero ganu’n pa rin, kayong dalawa ay magsasalo sa saya’t ligaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-16-24-25-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap maunawaan ang kapalaran ng tao. Tulad mo, madalas ay wala kang bilib sa iyong sarili, pero ang langit pala ay hanga sa iyo kaya huhulugan ka ng mga biyaya at suwerteng hindi mo inakalang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto- 7-14-23-32-34-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo makikita ang hinahanap mo, pero ang makikita mo ay talagang para sa iyo. Sa huli, mauunawaan mo na mas magandang hindi na maghanap pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-18-20-21-27.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dinadagdagan ang kulang at binabawasan ang sobra. Pag-aralan mo ngayon ang iyong sarili nang sa gayun ay makuha mo ang pinakamaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-25-29-30-33-39.




Comments