Horoscope | Marso 18, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 12 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 18, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 18, 2026 (Miyerkules): Hawak mo ang iyong kapalaran, kaya kung gugustuhin mong yumaman, yayaman ka. Magpasalamat ka sa langit dahil sa espesyal na kakayahang ito na ibinigay sa iyo nang libre at walang bayad. Kaya bilang ganti, bigyan mo rin ang mga taong walang-wala para patuloy kang suwertehin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabago ang takbo ng iyong kapalaran at mas lumalaki ang pagkakataon upang yumaman ka. ‘Wag mo munang asikasuhin ang mga bagay na wala namang kinalaman sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-23-29-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanda ka sa masasayang kaganapan na inilaan sa iyo ng langit. Para masulit mo ang iyong kasiyahan, ngayon pa lang ay dapat munang alisin ang iyong pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-20-28-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sayangin ang iyong karisma. Gamitin mo sa paraang mas lalago ang kinikita mo. Tandaan mo, ang karisma ay hindi lang sa karelasyon ginagamit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-15-21-26-39.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang mga nasa tabi mo na hindi naniniwala sa iyo. Hayaan mo lang sila, dahil sa huli, makikita rin ng kanilang mga mata na maunlad na ang buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-25-33-37-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makakaporma ang mga karibal mo kapag lumabis ang tiwala mo sa sarili mo. Pero kung mananatiling buhay ang ningas ng iyong sigla’t sigasig, sila ay sama-samang mapapahiya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-23-27-32-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ganito ang sabi, kapag kumilos nang nakatodo ang galing at husay, magtatagumpay ka. Pero sa iyo, kahit hindi sagad ang galing at husay mo, makukuha mo pa rin anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-21-36-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo ang hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Tandaan mo, ang panalo ay para lang sa mga taong nakikipaglaban. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-16-22-29-31-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang katapusan ang pagpapalit ng araw at gabi. Kaya sa dilim ng buhay, isinisilang ang liwanag. Ipanatag mo ang iyong kalooban, sa araw na ito magliliwanag na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-15-26-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang nakakasama mo, magiging ganu’n ka rin. Kaya ang payo, dumikit ka sa mga angat ang buhay para umangat din ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-25-30-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matatalo mo ang mga babangga sa iyo, pero mag-ingat ka at huwag mong patulan ang mahal mo na maaaring sumalungat sa iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-17-21-27-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakasawa ang lahat ng bagay sa mundo. Ito ang tagong dahilan kung bakit parang ayaw mo sa masarap na buhay at naghahanap ka ng mga bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-14-20-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Hayaan mo lang ang mga gigil na gigil na yumaman. Makikita mo, sila ang unang babagsak, at sa kanilang pagbagsak, saka mo samantalahin ang pagkakataon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-22-32-36-40.


Comments