Horoscope | Marso 18, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 18, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 18, 2022 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay yayaman. Dahil dito, ipanatag mo ang iyong sarili habang masaya kang nagsisikap sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang pinakagusto mo sa buhay. Kahit may pagka-imposible o mahirap mangyari, ikaw pa rin ay pagbibigyan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-39-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Huwag kang mag-alala dahil nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit at ibibigay sa iyo ang sobra sa inaasahan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-21-28-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka bibiguin ng mga bituin sa langit. Aayusin nila ang kanilang mga sarili nang sa gayun ay umulan ng magagandang kapalaran sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo at ito rin ang magaganap sa panahong ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-23-25-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Tapusin mo na ang tampo sa iyong karelasyon. Langit mismo ang magreregalo sa iyo kung saan mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-22-28-41-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatapat sa iyo ang pintuan ng grasya at pagpapala mula sa langit. Ang susi para bumukas ito ay kung makikita kang mapagpakumbaba at mapagparaya. Ito ang sikreto ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-29-31-32-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mo ang mga paunang kilos para sa ikauunlad ng iyong buhay. Makikita mo na kikilos ang langit at ang lahat ay mapapabilis at hindi ka na mahihirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-15-26-31-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ang alam mong bagay ka, ru’n ka. Kaya ka nasasaktan sa nakaraan ay dahil dinadaya mo ang iyong sarili at ipinipilit mo ang hindi tugma sa iyong pagkatao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-17-21-22-24.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon hahatulan ng langit ang mapanghusga, lalo na ang humuhusga sa iyo. Tatanggapin nila ang parusa sa utos na huwag husgahan ang kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-28-33-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magkikislapan ang magagandang pangyayari sa iyong harapan, kung saan ang ibinabalita ay ang mga susunod mong araw ay punumpuno ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-26-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang tamis ang bunga na kinuha nang pilit. Maghintay ka at huwag kang maiinip dahil ang pinakaaasam-asam mo ay mapasasakamay mo rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-24-26-31-38-40-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kaunting pagsisikap lang, magbubunga na ito ng malalaking suwerte at panalo. At ang malaking sikap mula sa iyo ay aani naman ng hindi mo mabilang na mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-17-21-23-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahon ang kailangan mo ngayon. Ang taong mahinahon ay nakakaisip nang tama, pero ang walang hinahon ay masasadlak sa sangkatutak na malalaking suliranin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-13-26-34-37-41.




Bakit lagi kayo late mag-post ng horoscop?
Wala pa horoscope for Mar 19?