top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Horoscope | Marso 18, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 18, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 18, 2021 (Huwebes): Tiyak ang pagyaman mo kapag talagang ginusto mo. Kaya ang payo, unahin mo ang pagpapayaman kaysa sa iba pang larangan ng buhay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang pagpapalago ng kabuhayan at hindi ka mabibigo. Tutukan mo ang pakikipagrelasyon, sa una ay sasaya ka pero sa huli, ang kabiguan ay darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-24-34-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat sumuko kahit nalugi ka. Ang tagumpay ay sa huli hinuhusgahan at hindi sa unahan o kalagitnaan ng pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-23-30-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Lakas lang ng loob ang kailangan mong puhunan. Ito ang nasa likod ng sinasabing ang walang puhunan o maliit ang puhunan ay yumayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-22-25-34-39.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang kumibo, manahimik ka at makikita mo na ikaw ang masusunod. Huwag kang tumulad sa marami na nag-aakalang sa pangungulit ay nakukuha ang anumang gustuhin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-19-21-26-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon pero aalalayan ka pa rin ng langit. Sa ganitong paraan, ang mga lihim at lantad mong kaaway ay tuluyan mong magagapi kung saan sila ay mapapahiya sa kanilang mga sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-20-25-33-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag na tapang ang iyong kailangan, ibig sabihin, may tapang ka pero ito ay kulang. Ito ay para makatiyak ka na ang gusto mo ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-7-13-28-25-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiyak ka kung kailangan, pero ang huwag mong gagawin ay ang umayaw. Ang kabiguan ay bahagi ng tagumpay na nararanasan sa mga unang salpukan ng pakikipaglaban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-20-30-39-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Multo lang na walang laman at buto ang mga negatibong pananaw na sumasaiyo. Kapag kumilos ka at nag-isip ng positibo, ang mga multo mo ay mawawala tulad ng mga bula. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-17-21-26-27-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo na ang kakayahan ng isang nilalang na gustong pumasok sa iyong kapalaran. Kung makita mong siya ay iyong pakikinabangan, tanggapin mo ito nang bukas-palad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-22-24-42-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo ngayon ang iyong damdamin. Higpitan mo ang paghawak dahil may babala na ang iyong emosyon ay biglang lalakas at maaari kang makasakit ng damdamin ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-21-28-31-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Luluwagan mo ang pagkakahawak sa alam mong mahirap pakibagayan. Sasaya ka dahil makakalaya ka na rin sa sitwasyong ikaw ay agrabiyado. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-19-22-24-33-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipaglaban mo ang sa iyo dahil ipinaglalaban ng iba ang hindi naman talaga kanya. Kumbaga, higit kang dapat lumaban dahil ikaw ang may karapatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-27-30-40-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page