top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Marso 17, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 17, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 17, 2021 (Miyerkules): Malakas ang dating ng suwerte mo kung saan inaamin ito ng mga sinuwerte nang dahil sa iyo. Mas maganda na ang suwerte ay magamit mo para sa iyong sarili.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipagpatuloy mo ang ningas ng iyong sigasig at hindi ka mabibigo. Kaya lang naman nabibigo ang tao ay dahil nawawalan siya ng sigla na magpatuloy. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-20-23-39-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paminsan-minsan, tatapikin mo ang banga sa bahay mo dahil naroon ang mga suwerte mo. Kapag sa mga araw na kailangan mo ng suwerte, tapikin mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-27-30-41-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ngayon ang iyong paboritong damit dahil ito mismo ang pampasuwerte mo ngayon. Makaaasa ka na gaganda ang takbo ng mga pangyayari at ito ay papabor sa kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-16-20-25-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Harapin mo nang may saya at sigla ang panahon ng tag-araw. Dahil sa mga patak ng tubig ulan, sa maniwala ka o hindi, ito ang iyong pinakamalakas na pampasuwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-8-11-15-23-30.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit makulimlim, kailangan mo pa ring hintayin ang pagsikat ng Haring Araw dahil ang sikat nito ay ang magpapalakas ng suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-20-24-33-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung gusto mong makuha ang iyong gusto, sundin mo ang payo ng iyong kapalaran kung saan sa araw na ito, magsuot ka ng makikislap. Iwasan mo ring gumamit ng mga kupas at luma na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-25-39-43-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang at masaya ang sikreto kung paano ka bubuwenasin. Ito ay makipagkuwentuhan ka sa mga dati mo nang nakakakuwentuhan tungkol sa buhay ng may buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-16-20-35-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit hindi mo aminin, may iniingatan kang bagay na gawa sa metal. Inutusan ka ng iyong kapalaran na ito ay iyong ingatan sa dahilang ito talaga ang iyong pampasuwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-16-23-24-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang talab sa iyo ang makakapal na ulap. Nakabaon sa iyong kamalayan na sa gilid ng mga ulap ay may malapilak na liwanag na magbibigay sa iyo ng suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-21-25-27-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang sikreto kung paano ka bubuwenasin dahil ayon sa iyong kapalaran, simpleng isayad mo ang iyong mga paa sa lupa at ang mga suwerte ay magdaratingan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-19-25-31-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nauuna ang ihip ng hangin bago dumating ang malakas na ulan. Samantalahin mo ang nasabing pagkakataon dahil kailangang dumapo sa pisngi mo ang hangin nang ikaw ay buwenasin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-17-25-26-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na matagal nang wala kang kilos. Tayo, upo at upo, tayo ang simpleng paraan para magsipasok sa iyong buhay ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-20-21-28-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page