Horoscope | Marso 16, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 16, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 16, 2022 (Miyerkules): Gamitin mo ang iyong mayamang kaisipan para ikaw ay yumaman dahil ito ang isa sa sikreto ng iyong magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang laman ng isip, ‘yun ang nangyayari sa tunay na buhay. Iwasan mong mapuno ang iyong isip ng mga negatibong bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-20-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi maganda ang ibinubunga ng pagdududa. Maghintay ka muna ng konkretong ebidensiya. Hindi puwedeng hindi malantad ang mga gawaing hindi mabuti laban sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-22-25-29-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Panatilihin mo na bukas ang iyong komuniskyon sa mga nasa malayo. Hindi ka mabibigo dahil panandaliang naaantala lamang ang mga biyaya na iyong inaasahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-23-39-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas ng iyong pandama ngayon. Madarama mo ang motibo ng iyong makakausap. Gayundin, madarama mong parating na ang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-14-17-21-25.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matiyagang naghihintay ang Haring Araw na maubos ang makakapal at madidilim na ulap. Huwag kang mainip, tiyak din na ang buhay mo ay gaganda tulad ng iyong inaasahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-22-24-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong basta paniwalaan ang magagandang panukala na parang mag-aangat sa iyong buhay. Ang mga mandaraya ay gumagamit ng nakamamanghang mga salita. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-23-29-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makikinabang ka sa mga taong dikit nang dikit sa iyo kahit hindi mo gusto ang kanilang mga kilos. Magsabi ka ng kailangan mo at malamang na makukuha mo ito agad. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-25-26-35-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantala lang ang paghina ng negosyo. Gayunman, kailangan mo pa ring isabuhay ang pagtitipid at pagbabawas ng hindi mahalagang gastusin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-14-21-29-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabagal ang kilos ng iyong kapalaran, pero hindi ito nangangahulugan na babagsak ang iyong buhay. Manatili kang positibo ngayong panahon ng pagtumal ng negosyo. Tiyak na lalakas ang iyong negosyo at ikaw ang unang makikinabang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-23-28-33-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Huwag kang tumulad sa iba na kahit mahirapan ay ginagawa para lang sumikat sa kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-16-18-22-27-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magdaratingan sa iyo ang magagandang bagay mula sa malayo at magpapatuloy ang pagdating ng mga ito sa mga susunod pang araw. Ito ang mensahe ng iyong kaparalan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-25-30-39-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Gawin mong simple ang mga salitang gagamitin mo sa paghiling. Sa ganitong paraan, ang simpleng hiling ay mas madaling matutupad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-15-17-30-31-38.




Comments