Horoscope | Marso 16, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 16, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 16, 2021 (Martes): Malayo ang iyong mararating. Sa maraming larangan ng buhay, ikaw ay magtatagumpay at aktuwal ding maraming bansa ang iyong mapupuntahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na dadayain mo ang iyong sarili. Mahihirapan kang magpakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-20-24-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo kailangang magplano para sa iyong magandang kinabukasan. Malinaw ang iyong kaisipan at ang naggagandahang pormula ng tagumpay ay maiisip mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-18-29-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong akalain na ito ay gabay ng kapalaran at nasa iyo na kung susundin mo. Sa mga araw na ito, kahit ayaw mo, tiyak na ang pagbabago ng mga napagpasyahan mo na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-21-26-38-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang nasa malayo, siya pa ang makatutulong sa iyo. Ang nasa malapit, tutulungan ka rin, kaya lang, ito ay pilit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-25-28-31-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bago magbigay ng tulong, bumilang ka muna ng sampu. Kapag hindi mo sinunod, ikaw na mismo ang magsasabi sa sarili mo na naulit ang nangyari noon na ikaw ay naisahan ng dating ng lumapit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-25-26-37-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Totoo bang ang nagtampong ibon ay muling bumabalik sa kasuyong ibon? Ito ay totoong-totoo dahil ikaw mismo ay mag-iisip kung paano ka babalik sa iyong dating karelasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-23-30-35-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit mo pipigilan ang makulit? Hayaan mong maranasan niya na ang makulit ay nabibigo nang paulit-ulit. Pero ang mapaghintay ay nagtatagumpay. Ito ang araw sa buhay para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-25-27-33-39-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung nagbago ang iba, huwag kang gumaya. Ito ang sikreto ng negosyong ang mga karibal at kakumpitensiya ay nagbago ng paninda at ang nanatili ay nakinabang sa mga suki. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-12-25-29-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapalit ng balahibo ang mga ibon upang harapin ang mga bagong umaga. Palitan mo ang kulay ng lugar ng iyong negosyo at ikaw ay mabilis na aasenso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-15-19-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang matakot na magdagdag ng mga kaibigan. Ang huwag na huwag mong gagawin ay ang sobrang mapalapit ka sa mga bago dahil hindi ito makabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-26-27-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamitin mo ngayon ang iyong naipong kaalaman. Tulad ng mga alahas na nasa taguan, ang mga kaalamang hindi ginagamit ay walang kabuluhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-22-27-33-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Huwag na huwag kang matakot na makipagsapalaran. Ang dapat matakot ay ang mga hahamon sa iyong kakayahan at sa iyong likas na pagiging buwenas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-15-28-30-35.




Comments