Horoscope | Marso 14, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 14, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 14, 2026 (Sabado): Simple lang ang sikreto ng iyong kapalaran. Kumilos ka lang nang kumilos upang masumpungan mo ang iyong sarili na sobrang yaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang pinagkakakitaan mo para hindi masayang ang masusuwerteng araw. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-25-28-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakawala ng pagod ang pagsasaya, kaya magsaya ka kasama ang iyong mga kaibigan. Sa ganitong paraan, mananariwa ang lakas mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-24-27-30-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Sinumang magtangkang sirain ang araw mo, langit mismo ang makakalaban. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-19-22-35-38-44.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hanapin sa iba ang iyong mga katangian. Bawat isa ay may kani-kanyang pagkatao. Mas maganda kung pagbabasehan mo ang mga positibong bagay sa kapwa mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-16-26-32-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ituloy mo ang plano mong pasayahin ang mga kilala mong naghihirap. Ikaw ngayon ang magsisilbing daluyan ng mga biyaya mula sa langit. At dahil ikaw ang dinadaluyan, sa huli mas maraming biyaya ang maiiwan sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-29-31-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sundin mo ang gusto ng isip mo na paunlarin pa ang buhay mo at labanan mo ang mga negatibong nararamdaman mo na parang kang naduruwag. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-21-25-35-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makibahagi ka sa mga pagsasaya, dahil sa mga araw na ito, malungkot man ang isang tao, obligado pa rin niyang pasayahin ang kapwa niya. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-15-21-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka ngayon, lalo na’t kabilang ka sa masusuwerteng nilalang. Magugulat ka, dahil ang magagandang kapalaran ay dadapo na sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-17-20-23-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka dapat matangay ng iyong emosyon. Itabi mo ang mas marami sa mga pakinabang mo dahil ito ang mas tama para maging matatag ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-22-28-30-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umiwas ka sa walang kuwentang pagsasaya, kung saan mababawasan ang hawak mo. Nabubuhay ang tao hindi para mag-aksaya ng oras sa walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-25-27-29-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakaubos ng lakas ang sobrang pagsasaya. Hindi pa ngayon ang todong pagsasaya. Sa halip, ireserba mo ang sarili mo para sa nalalapit na summer vacation. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-12-26-31-34-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na hindi mo makakamit ang mga bagay na ninanais mo. Ngunit, hindi ka dapat malungkot, dahil higit sa hinahangad mo ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, na sobrang ikagugulat mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-25-32-39-41.



Comments