Horoscope | Marso 14, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 14, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 14, 2022 (Lunes): May kani-kanyang galing at husay ang bawat tao. Ayon sa araw ng iyong pagsilang, ang iyong galing ay nasa pagnenegosyo, kaya gamitin mo ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibilis ang mga kilos at pagpapasya mo dahil sa araw na ito, sapat ang mga impormasyong nasa iyo upang simulan ang iyong mga proyekto. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-21-24-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Asikasuhin mo kung paano ka kikita dahil ngayon ay masuwerteng araw para umangat ang iyong kabuhayan. Huwag mo nang unahin ang personal na suliranin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-21-28-31-39-41
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Matatala sa aklat ng iyong kapalaran na ngayon ay walang pagsidlan ang iyong kagalakan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-26-29-38-41-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong sarili dahil malaki ang posibilidad na ang mabilisang pakikipagrelasyon ay puwedeng mangyari sa buhay mo. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-20-25-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nabubuhay ang tao para sa kanyang kinabukasan. Isabuhay mo ang katotohanang ito nang sa gayun ay hindi ka mapag-iwanan ng mga nasa paligid mo. Ibig sabihin, pagbutihin mo pa ang iyong mga ginagawa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-21-27-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang iyong galing sa pagtutuos. Sa ganitong paraan, hindi ka malulugi at kaya lang bumabagal ang negosyo kapag ang amo ay sobrang kumpiyansa sa sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-22-24-26-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tuloy-tuloy lang. Huwag mong pansinin ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Ang mga ito ay nalalagpasan kapag isinabuhay ang tuloy-tuloy na diskarte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-9-14-15-26-29.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Talas ng pakiramdam ang panlaban sa mga may masayang motibo. Kaya habang nakikipag-usap ka, talasan mo ang iyong pakiramdam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-20-23-35-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magtabi ka sa kinita mo ngayon. ‘Wag na ‘wag kang tumulad sa iba na uubusin ang lahat dahil may kikitain pa sa ibang araw. Mas aangat ang buhay mo kapag nagtatabi ka sa iyong kinikita araw-araw. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-19-21-24-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bantayan mo ang iyong sarili dahil may babala na kapag naawa ka, sobra ang mawawala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-23-28-30-31-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sobrang bilis mo. Huli na bago mo mapansin na ubos ka na pala. Gayunman, wala kang dapat ipag-alala dahil madali lang din para sa iyo ang umatras. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-17-27-28-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi lang saya at ligaya ang dala mo kahit saan ka pumunta. Dala-dala mo rin ang magneto ng iyong malalim na pagkatao na hihigop ng lahat ng uri ng suwerte at magagandang kapalaran na magsisimula ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-29-30-31-37-41.




Comments