top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Marso 14, 2021 (Linggo)

BULGAR
Mar 14, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 14, 2021


Sa may kaarawan ngayong Marso 14, 2021 (Linggo): Dapat mabilis kang mag-isip at kumilos dahil ang mga kaganapan sa buhay mo ay mabibilis ang paggalaw. Ito ay para marami kang mapakinabangan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makipagsapalaran ka sa larangan ng negosyo at mananalo ka. Iwasan mo ang pagsusugal dahil mananalo ka, pero sa huli ay talo ka rin at maaaring bumagsak pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-30-35-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang masayahin, sa kanya ka dumikit. Magugulat ka dahil habang masayang-masaya ka, may papasok sa isip mo na magagandang ideya na puwedeng magpaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-24-31-37-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Hamunin mo ang pinakamahigpit mong karibal at tiyak na wala siyang panalo sa iyo. Pero maaaring siya ay umiwas dahil nadarama niya na sa mga araw na ito ay sobrang malakas ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-26-34-36-40-44.


CANCER (June 21-July 22) - Ikagugulat mo ang biglaang pagiging palakuwento ng kilala mong mahiyain. Siya rin ay magtataka, pero simpleng ibig sabihin nito na kayong dalawa ay susuwertehin ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-24-31-33-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ibahagi mo ang mga kakaibang kaalaman na naipon mo sa matagumpay mong negosyo. Natutuwa ang langit sa mga nagsisilbing tagapagturo ng mga pormula kung paano aasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-26-30-41-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Narinig mo na bang may takdang panahon ang bawat bagay sa mundo? Ibinabalita ng iyong kapalaran na muling dumating ang takdang mga araw na ikaw ay bubuwenasin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-20-26-31-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli mong isuot ang paborito mong damit na panlakad. Isuot mo ito kahit nasa loob ka lang ng bahay. Maaaring magtaka ka sa nasabing payo, pero ito na mismo ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-14-23-31-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Itabi mo ang ilan sa iyong kikitain ngayon. Ang mga ito ay magsisilbing pampasuwerte sa iyong negosyo. Huwag mo itong gagamitin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-28-30-36-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatakot ang kulog at kidlat. Ang mga suwerte mo ngayon ay tulad ng kulog at kidlat kung saan ang iyong mga lihim at lantad na kaaway ay mababahag ang buntot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-20-25-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naglipana at naghahanap ng bibiktimahin ang mga mandaraya. Mag-ingat ka. Ang paunang impormasyon ay napakahabang kuwento na halos hindi ka makasingit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-29-33-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Doble-doble ang saya mo ngayon dahil doble rin ang mga suwerteng ipagkakaloob sa iyo ng langit. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-22-25-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi na mahalaga kung sino ka, ano ang iyong ugali o nasaan ka ngayon. Noon pa nagpasya ang langit na bigyan ka ng magagandang kapalaran. Ito ay hindi na mapipigilan pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-7-10-12-35-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page