Horoscope | Marso 13, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 13, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 13, 2022 (Linggo): Hindi ka mawawalan ng lihim na kaaway at ang mga naiinggit sa iyo ay lalong darami at maglalabasan. Ang tunay na dahilan ay nasasagap nila na darating ang panahon na sila ay iyong malalagpasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpatuloy ka. Tahakain mo ang landas ng buhay na iyong nilalakaran. Ang mga kaba sa dibdib mo ay likha lang ng mga anino ng akala mo’y hahadlang sa iyo. Ngunit isinulat na sa langit ang magaganap – tuloy-tuloy kang susuwertehin at magtatagumpay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-21-28-34-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilabas at gamitin mo ngayon ang paborito mong alahas. Isuot mo ito kahit nasa bahay ka lang. Ito ang magsisilbing pampasuwerte nang maglapitan sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-10-14-29-30-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit nag-aalinlangan ka, ituloy mo pa rin ang gusto mong gawin. Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na sa araw na ito, mapasasaiyo pa rin ang anumang gugustuhin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-24-29-35-36.
CANCER (June 21-July 22) - Mangyayari sa buhay mo ang sinasabi na, “Iba ang nagtanim, pero iba ang umani at kumain.” Ibig sabihin, maraming suwerte na hindi mo pinaghirapan ang sunod-sunod ng darating sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-13-25-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakagulat ang pinanggalingan ng mga suwerte mo. Kikilos ang mga lihim at lantad mong kaaway laban sa iyo, ngunit mas susuwertehin ka kaysa sa dati. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-22-29-30-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iiral naman ang kahinaan mo, kung saan mas binibigyan mo ng pansin ang mga negatibong pananaw. Gayunman, magpapatuloy ang pagdating ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-15-19-29-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat magkaroon ng hinanakit sa gagawa sa iyo ng hindi maganda. Ito ay dahil ‘yun ang magiging sanhi kaya ka dadagsain ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-21-27-30-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan. Huwag mong kaligtaan na ang pasya ng langit ay para sa iyong kapakanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-31-33-38-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang magawa ang ibang tao na ibagsak ka, kaya ang mangyayari, inggit na lang ang sumasakanila. Sa halip na magalit ka, sila ay iyong kaawaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-16-21-27-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang ubusin ang iyong oras sa pag-alam kung bakit nangyayari ang isang kaganapan. Mas magandang magtiwala ka sa langit dahil Siya ang tunay na nakakaalam ng lahat ng mga pangyayari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-20-24-27-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dito sa mundo, hindi patalinuhan kundi pasuwertehan ang labanan. Ikaw ang masuwerte. Ang nag-aakala na siya ay marunong ay mamalasin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-9-13-26-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap maunawaan, pero ang daan na makitid at madilim ang daan papunta sa tagumpay. Ang daan na madaling lakaran ay papunta sa kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-13-17-20-27-33.




Comments