top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 12, 2022 (Sabado)

BULGAR
Mar 12, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 12, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 12, 2022 (Sabado): Tinitiyak ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay hahawak ng mga tao, mamumuno at mamamahala.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang masuwerteng araw na ito kung kailan puwede pang umangat nang husto ang iyong buhay. Ipagpaliban mo ang mga aktibidad na walang kinalaman sa kabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-14-28-31-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ka bibigyan ng pabor ng nakatataas sa iyo. Ito ay dahil matagal na silang hanga sa kakaibang husay mo, kaya umasa kang aani ka rin ng papuri at pagkilala. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-18-20-25-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag ibinaba mo ang iyong sarili, tataas ka. Ito ang tunay na susi ng tagumpay na bihira ang nakakagawa . Muli, kapag ibinaba mo ang iyong sarili, tataas ka. Gawin mo na ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-23-24-30-35-42.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpatalo sa mga negatibong pananaw na labas-pasok sa iyong isipan. Kumilos ka ayon sa mga plano mo. Huwag mo ring kaligtaan na paghusayan mong mabui ang pagbuo ng mga plano mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-25-31-33-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Makinig ka sa mga opinyon. Huwag mong pairalin na mas angat ka sa kahit na sino. Sa pakikinig, nadadagdagan ang kaalaman. Sa hindi pakikinig, nananatiling kapos sa kaalaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-28-35-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang magsimula ng pagbabago at susunod ang mga tao. Huwag ka nang nanahimik kahit alam mong may kakayahan ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-19-24-28-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka kakapusin ng mga suwerte. Lakasan mo ang iyong loob, isulong mo ang gusto mong mangyari kahit alam mong maliit ang tansa na masunod ang iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-18-24-21-32-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Alam mo ang gagawin, pero ayaw mong kumilos. Mas pipiliin mo ang mag-obserba lang. Sa ganitong paraan, lihim kang sasaya. Mas maganda na ito kaysa naman sumakit ang ulo mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-18-21-38-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hindi makakaporma ang mga kontrabida sa buhay mo dahil nadarama nilang mas malakas ka ngayon, kaya nakakatakot kang kalaban. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-14-25-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka nang kumilos at mawawala ang iyong mga pag-aalala. Kapag abala ang katawan at isipan — parang nakatanikala na, hindi mapupunta ang isipan sa pag-aalala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-1-11-16-29-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang manghimasok sa hindi mo alam. Ang pagkukunwari ay hindi mo dapat gawin sa bagay na maselan, na ang magandang kinabukasan ang nakataya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-23-26-33-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, kundi ang mga taong nagbibigay sa iyo ng konsumisyon at kontra nang kontra sa mga kagustuhan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-26-30-31-32-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page