Horoscope | Marso 12, 2021 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 12, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 12, 2021 (Biyernes): Papataas ang antas ng iyong buhay kahit minsan ay nakararanas ka ng hindi magagandang araw. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami kang dapat ipagmalaki at ipagyabang, pero ang payo para sa iyo ay panatilihin mo ang kababaang loob mo nang sa gayun ay magdagsaan sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-23-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kailangan mong kumilos para sa iyong kinabukasan. Hindi masasayang ang mga pagkilos mo dahil ang mga ito ay hakbang papalapit sa iyo ng mga pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-18-20-25-31-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mo ang bawat ikikilos mo dahil hindi ka puwedeng mabigo. Maraming buhay ang nakasalalay sa iyo. Muli, hindi ka puwedeng mabigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-27-29-30-33-42.
CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang iyong pangarap bago mo yakapin ang kahit na sino. Ang tunay na kaligayahan mo ay natatagpuan mo lamang sa katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-22-23-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makikita mo ang mga kahinaan at kapintasan ng mga tao. Sarilihin mo na lang ito dahil ang kanilang pagbabago ay sila lang ang makagagawa sa sarili nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-18-20-25-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iaangat ka ng talas ng iyong isip dahil walang katulad ang iyong talino. Hahangaan ka ng nakatataas sa iyo at kikilalanin ang iyong natatanging galing at husay na wala ang iyong kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-29-30-33-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Diktahan mo ang taong gusto mong hingan ng pabor. Taglay mo ngayon ang kakayahang magdikta sa nakadikit sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-25-29-36-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag wala ka, walang magagawa ang nagsasabing ikaw ay kanyang inspirasyon. Sa maniwala ka o hindi sa sinabi niya, ang payo ay manatili ka muna sa kanyang buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-20-25-31-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na sa mga araw na ito, ikaw ang panginoon ng iyong buhay. Huwag kang mabigla. Mas magandang gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-25-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mahiya na lumapit sa mga makatutulong sa iyo. Sa kanilang buhay, sila ay nagpatulong din naman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-18-28-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bihag ang puso mo ng isang may kakaibang katangian na hindi naman suplado pero tahimik at may mahiwagang personalidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-28-39-40-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Hindi man gaanong kalakihan at karamihan, ang mga ito ay sapat pa rin para masabi mong ang langit ay hindi nakakalimot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-17-21-25-34-42.




Comments