top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 11, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Mar 11, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 11, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 11, 2022 (Biyernes): Huwag mong sayangin ang iyong kakaibang talino para baguhin ang mundo. Gamitin mo ito sa iyong sarili hanggang yumaman ka nang husto.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puwedeng gumanda ang maganda na, kaya puwede pang umangat ang iyong buhay at lalo ka pang yumaman habang pinaniniwalaan mo na ang maganda na ay gumaganda pa. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-10-17-23-29-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Walang kuwenta ang buhay na walang ipinaglalaban. Lagyan mo ng adbokasiya ang iyong buhay at magugulat ka na rito pala sa mundo, ang may adbokasiya ay may kakaibang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-24-28-38-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Bawasan mo ang sobra. Ang nabubuhay sa katamtaman ay hindi nanganganib sa karamdaman at ang nakakatuwa, sila ay tahimik at hindi kinaiinggitan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-16-22-25-32.

CANCER (June 21-July 22) - Kumukuha ng lakas sa pamamahinga ang lahat ng may buhay. Napansin mo ba na parang namahinga ang suwerte mo? Ibig sabihin, sa pagbabalik, higit siyang malakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-20-27-31-33-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag nagsasama-sama ang maliliit, sila ay lumalakas. Kapag pinagsama-sama ang maliliit na puhunan, puwede itong gamitin sa malaking pagkakakitaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-19-22-28-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na nagpasya ang langit. Iisa at malinaw ang pasya, mula sa araw na ito, madodoble na ang mga suwerteng darating sa iyo. Kaya wala kang dapat gawin kundi ang palaging magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-11-17-20-27.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napapalitan ng mga bagong usbong ang mga nalagas na dahon. Huwag mong masyadong damdamin ang nasayang mong mga panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-15-23-30-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dito sa mundo, ang bawat tsinelas ay may paa na kasukat. Hindi totoong wala kang katapat. Ayon sa kapalaran mo, nalalapit na ang paghaharap n’yo ng taong talagang para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-27-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng magtagal sa isang kalagayan na labag ang nangyayari sa iyong paninindigan. Bago ka magkasakit, lakasan mo ang iyong loob at ikaw ay umalis. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-24-27-39-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim mong naririnig ang awit ng sarili mong panahon, na ang nakaraan ay dapat nang kalimutan at paghandaan ang magandang kinabukasan. Ito ang iyong sayawan. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-5-11-18-25-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamit ang iyong kakaibang pakiramdam, kaya mong sukatin ang kakayahan ng gustong pumasok sa iyong buhay. Sa ganitong paraan, makakaiwas ka sa gusto kang maisahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-12-26-39-44-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Wala namang alam ang mga ito kundi kontrahin ang mga gustong umasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-20-22-26-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page