Horoscope | Marso 10, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 10, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 10, 2022 (Huwebes): Hindi ka dapat makuntento sa sarap ng buhay. Mas makakabuti sa iyo na dagdagan ng pagsisikap ang sarap ng buhay na iyong tinatamasa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawat suwerte mo ay daragdagan pa ng langit kapag ikaw ay nakitang tumutulong sa mga nangangailangan, kapus-palad at sa mga walang-wala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-17-25-27-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang awit ng mga ibon. Ito ay nagbabalitang ang mga suwerte ay darating sa iyong buhay sa larangan ng pakikipagrelasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-14-26-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Mapapansin mo ang iyong sarili na parang masaya ka kahit may mga problema. Ibig sabihin, gaganda rin ang iyong kapalaran at ito ay magsisimula na sa araw na ito. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-19-28-29-33-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka ayon sa hangarin mong mas gumanda pa ang buhay mo. Huwag mo nang pahirapan ang iyong sarili dahil sa nakaraang kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-22-25-34-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi kailangang patunayan sa mga nasa paligid mo na handa ka nang harapin ang hamon ng iyong kapalaran. Wala silang karapatan na malaman kung ano ang gagawin mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-27-30-32-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang wala sa iyo. Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang nasa tabi mo at ang puwede mong mapakinabangan. Hindi ka dapat mabuhay sa negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-18-23-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lalagyan ng langit ng dekorasyon ang iyong buhay. Sa maniwala ka o hindi, ang mga suwerte mo ay nasa maliliit na saya at ligaya na iyong patuloy na nararanasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-22-28-30-38-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Samantalahin mo ang magandang takbo ng iyong kapalaran sa aspeto ng pagkakakitaan. Kahit mapagod ka at medyo mahirapan, kailangang hindi masayang ang araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-21-24-31 -36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Para sa iyo, unahin mo ang iyong sarili. Ito ay dahil hindi ka kailangang maistorbo ng mga nangyayaring hindi maganda sa iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-20-28-32-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Palihim kang dumikit sa may magandang kapalaran. Gawin mo ito dahil ang ilang suwerte na para sa kanya ay mahimalang sa iyo mapupunta. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-23-25-39-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dagdag na saya pa ang kailangan mo nang dumami pa ang mga suwerteng paparating sa buhay mo. Kaya ang lungkot ay hindi dapat makasingit sa iyong karanasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-9-13-28-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka. Gawin mo kahit wala ka pang layunin. Kapag hindi ka kumilos, ang mga negatibong bagay ay dadapo sa iyo. Sa patuloy na pagkilos, maraming suwerte at magagandang kapalarang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-27-37-41-45.




Comments