top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Marso 10, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 10, 2021 (Miyerkules): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte na dumarating sa buhay mo. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit marami ang magsasabing ayaw mong magsikap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat matangay ng saya. Magsaya ka pero ‘wag mong kaligtaan na marami ka pang pangarap na kailangang tutukan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-30-41-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng aral sa mga sinuwerte pero hindi pinahalagahan ang mga biyaya na natanggap nila. Itanim mo sa iyong isip na ang mga ito ay dapat mahalin at ingatan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-21-24-39-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Malabo mong mapigilan ang iyong sarili sa paggasta sa mga wala namang kabuluhang bagay na sa huli ay iyong panghihinayangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-20-21-26-34.

CANCER (June 21-July 22) - Mahirap paniwalaan pero ibinabalita ng iyong kapalaran na ang bagay na bigla mong bibilhin ay magsisilbing isa sa pinakamabisa mong pampabuwenas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-28-30-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang magiging kapalit ng iyong pagtulong sa kapwa. Nakamasid sa iyo ang langit at nakahanda itong hulugan ka ng mga pagpapalang para lang sa mga tumutulong sa kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-31-39-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para sa iyo na gawin ang mga panimulang hakbang papunta sa katuparan ng iyong malalaking pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-25-28-36-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masama ang umayaw. Minsan, nakabubuti ang pag-atras sa laban ng buhay na alam mong ikaw ay maaagrabiyado at maaapi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-15-22-26-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahalagahan mo ang iyong sarili bago mo pahalagahan ang iba. Marami ang nakakalimot at napabayaan ang sarili dahil lang sa pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-28-30-31-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapapalapit sa iyo ang mga pasasayahin mo, pero mapapalayo ang loob sa iyo ng ilan sa mahal mo sa buhay dahil akala nila ay mas pinahalagahan mo ang ibang tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-14-20-25-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami ang hahanga sa iyong kapalaran dahil ang mga salitang lihim nilang sasambitin ay bakit mas masuwerte ka kaysa sa kanila? Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-27-30-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bagama’t hindi maganda sa paningin ang higit sa isa ang minamahal, para sa iyo, mas makikinabang ka. Ang isa pang totoo, sa ayaw o sa gusto mo, ito ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-18-24-29-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, inuutos ng iyong kapalaran na kung saan ka masaya, roon ka. Ibig sabihin, ‘wag mo nang ipagpilitan pa na pahabain ang iyong pagdurusa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-20-25-37-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page