top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Marso 1, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 1, 2023



SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 1, 2023 (Miyerkules): Ikaw ay ipinanganak na kakambal ang suwerte. Marami ang susuwertehin ng dahil sa iyo. Ginagarantiyahan din ng kapalaran na aani ka ng mga parangal, pagkilala at papuri.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa kapalaran mo at huwag mag-aalinlangan. Tandaan, ang kapalaran ng tao ay tiyak na mangyayari sa kanya. Higit na maganda ang kapalaran mo ngayon kasya sa ibang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-19-20-25-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon gagawa ng paraan ang langit para mapadali ang katuparan ng mga mithiin mo sa buhay. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat lagi sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-21-24-27-32-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Matatangay ka sa mabilis na takbo ng buhay at matatagpuan mo ang iyong sarili na yakap ang magagandang kapalaran na magbibigay sa ‘yo ng sobrang kasiyahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-24-26-33-34.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na kukunsintihin ka ng mga nagmamahal sa ‘yo dahil nakatanggap sila ng lihim na utos mula sa langit na ikaw ay pagbigyan sa lahat mong kapritso. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-11-15-28-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iyong-iyo ang araw na ito, kaya walang sinumang puwedeng umagaw ng iyong tagumpay. Aani ng hindi kaaya-ayang kapalaran ang sinumang magtangka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-22-24-26-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makakalimutan mo ang iyong mga reklamo sa mundo at mapapalitan ito ng mga biglaang ligaya dahil sa mga magagandang kapalaran na dumarating sa ‘yong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-27-20-34-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Upang mawala ang mga suliranin at patuloy kang suwertehin, mahalin mo ang tao na noon pa nagmamahal at sumusuporta sa iyo. Sila ang suwerte na mag-aalis ng lahat ng mga suliranin mo sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-23-27-33-35.



SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong magalit ngayon dahil ang mga suwerteng gustong dumapo sa iyo ay maaantala. Kapag pag-ibig ang nasa puso mo, madadagdagan pa ang iyong mga biyaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-21-25-28-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pairalin ang prinsipyong mata sa mata at ngipin sa ngipin. Hindi ka dapat maghiganti at magalit dahil mas gaganda ang kapalaran mo kapag pinakitaan mo ng kabutihan ang iyong kinaiinisan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-25-28-30-31-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli kang bibiyayaan ng langit para malagpasan mo ang mga hamon ng iyong kapalaran. Magtiwala ka dahil kahit noon pa man, lagi kang inaalalayan ng nasa itaas. Ito ang kapalaraan mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-16-20-24-25-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit ngayon. Para mas malalaki at marami ang mapasaiyo, ang payo ay nagsasabing magkawang-gawa ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-21-27-28-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tulad ng dati, kapag masaya ka, tiyak na susuwertihin ka. Mas maganda na dumikit ka sa mga masayahin, palabiro at pala-kuwento ng masasayang istorya kahit hindi totoo. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-6-19-26-28-30-34.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page