Horoscope | Marso 1, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 1, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 1, 2022 (Martes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte kahit madalas ay hindi mo pinahahalagahan ang mga ito. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumaba ka dahil ang nasa ibaba ay inaangat ng langit. Ito ay dahil ibibigay ang mga suwerteng ipinangako sa mga nagpapakababa. Kaya muli, bumaba ka at huwag kang manatili sa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-9-20-21-26-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong pananaw na naglalabas-pasok sa iyong isipan. Isipin mong panakot lamang ang mga ito ng ibon sa tanimang masagana ang aanihin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-18-20-24-32-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Magmadali ka nang sa gayun ay marami ang biyayang mapasaiyo. Puwede ring maging marahan, kaya lang, kaunti lang ang mapasasaiyong mga grasya at sa huli ay manghihinayang ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-21-24-32.
CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka dahil lalagay sa harapan mo ang mapagkunwari at may tagong motibo. Huwag mong kakalimutan na ang nagsasalita ng magaganda ay kadalasang nang-uuto lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-28-30-31-37-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magplano ka nang mabuti. Hindi puwede ngayon ang masyadong malakas ang loob at tiwala sa sarili. Ang nagpaplano ay may malaking tsansa na makuha ang kanyang gusto. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-6-11-17-32-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalagay sa harapan mo ang mga suwerte. Huwag mong kalilimutan na kung mapag-alinlangan ka, walang magandang mangyayari sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-21-22-25-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susubukan ka ngayon ng iyong kapalaran. Kapag inayawan mo ang alam mong hindi magandang pasukin, ang regalo sa iyo ng langit ay naglalakihan at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-16-28-30-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pa umaalis ang mga suwerteng para sa iyo. Naghihintay ang mga ito na hindi ka na abala sa mga walang saysay na aktibidad kung saan nasasayang lang ang iyong oras. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-21-27-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli, kahit mag-isa ka, kaya mong magtagumpay sa buhay. Pero kung gusto mo ng kaagapay, sabi ng kapalaran mo, ngayon ay bibigyan ka ng pagpipilian. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-19-26-28-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagdaratingan ang masasayang araw kung kailan hindi mo mabibilang ang napakaraming suwerteng mapasasakamay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-24-26-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit ba parang hinahanap mo pa ang nagbigay sa iyo ng kalungkutan? Ang hanapin mo ay ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan at masarap na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-29-32-42-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na wala kang ginagawa na hindi kumikilos ang iyong katawan. Mas magandang tayo-upo, lakad at pababalik-balik ang gawin mo nang sa gayun ay buwenasin ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-20-28-31-36.




Comments