Horoscope | Marso 1, 2021 (Lunes)
- BULGAR

- Mar 1, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 1, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 1, 2021 (Lunes): Isinilang ka na mas masuwerte kaysa sa mga pangkaraniwan at ito ay iyong nadarama. Hindi mo ito puwedeng gawing katwiran upang maging tamad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ayon sa kapalaran mo, kapag masaya ka, ang masasaya at nakamamanghang mga suwerte ay dadapo sa iyo. Ano pa nga ba ang dapat mong gawin? Eh ‘di magsaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-20-29-30-37-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simpleng-simple lang at nakatutuwa ang susi upang ikaw ay buwenasin dahil kapag pinasaya mo ang iyong sarili, kagulat-gulat na biglang gaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-18-29-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Suwerte ka sa halos lahat ng aspeto ng buhay. Ang higit na panggagalingan ng ligaya mo ay ang larangan ng pakikipagrelasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-23-29-30-33.
CANCER (June 21-July 22) - Napakabilis ng pagsang-ayon mo. Sa iba, hindi maganda ang mabilis magdesisyon, pero sa iyo, sa pagkakataong ito, mas susuwertehin ka sa magiging resulta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-26-30-35-40-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, angat na angat ka ngayon. Marami ang titingala sa iyo dahil sa galing at husay mo, pero marami rin ang sobrang inggit dahil ayon sa kanila, ikaw na lang ba palagi ang mapalad? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-25-38-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadalawin ka ng mga suwerte. Papasukin mo ba ang isang tulad nito na katok nang katok sa iyong pintuan? Siyempre, oo! Ang isa pang payo, dapat ay maabutan ka nito nang ikaw ay may masayahing pananaw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-26-30-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilabas mo ngayon ang natatagong ganda ng iyong pagkatao. Ipakikita naman ng langit ang mga regalo na matagal nang nakalaan para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-15-29-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga paladaing, hindi dahil dadaingan ka at ikaw ay maiisahan kundi dahil ikaw ay maaaring mahawa sa kanila at sa huli ay daing ka na rin nang daing. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-26-32-40-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging mahinahon ka sa kilos at salita. Ito ang susi nang magsipasok na sa buhay mo ang mga suwerte na noon pa nag-aabang at nasa iyong paligid lang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-31-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Habang ang iba ay uwing-uwi na, ikaw ay matatagpuang abala pa rin. Lihim na hahanga ang mga nakatataas at ikaw ay iaangat ng puwesto sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-20-27-38-40-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag matamlay ang panahon, ikaw ay matamlay din. Gumawa ka ng paraan para matalo mo ang pananamlay. Sa ngayon, moderno na ang mundo, kaya sasaya ka kahit ikaw ay nag-iisa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-24-39-42-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isuot mo ang pinakapaborito mong damit kahit hindi ka aalis. Ito mismo ang pampasuwerte mo sa buhay, kaya muli, isuot mo ang damit na gustung-gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-25-32-33.




Comments