Horoscope | Marso 9, 2025 (Linggo)
- BULGAR

- Mar 9
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 9, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 9, 2025 (Linggo): Kahit makaranas ka pa ng pagsubok, may nakalaan pa ring tagumpay sa iyo. Mangarap at kumilos ka para maasam mo ang tagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madali mong maisasakatuparan ang mga plano mo. Subalit kung wala ka pang plano, ngayon na ang tamang pagkakataon para magsimula. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-24-36-37-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagkakalooban ka ng langit ng lakas ng loob upang mas mapaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-22-34-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong hayaang sumobra ang tapang mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-26-29-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Tapos na ang mga araw ng iyong kaduwagan. Tahakin mo na ngayon ang landas patungo sa katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-13-20-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Garantisadong gaganda ang iyong kapalaran. Kaya unahin mong tulungan ang iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-18-25-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtataka ka dahil hindi ka na kabilang sa mahihina ang loob, dahil ang mga dating hindi mo kayang gawin, magagawa mo na ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-14-26-30-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ang ayaw mo ang siyang maaaring mangyari. Sa huli, mauunawaan mo na ang langit lang ang tunay na nakakaalam kung ano ang makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-20-33-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - May kakambal kang suwerte ngayon. Kaya kung sino ang sumubok ng iyong kapalaran, tiyak magugulat sa resulta. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-19-28-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maraming handang umalalay sa iyo at unti-unti na ring mababawasan ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-15-26-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang isdang sumasalungat sa agos ay nasusugatan. Kaya hayaan mo lang ang daloy ng buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-29-31-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngitian mo na lang ang mga taong naiinggit sa iyo. Ayon sa kapalaran, sila mismo ang lihim na magdadala ng suwerte at magandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-23-30-32-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hakbang paatras, dalawang hakbang pasulong. Gamitin mo ito upang lituhin ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-18-26-32-43.





Comments