Horoscope | Abril 28, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 28, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 28, 2026 (Martes): Hindi ka mauubusan ng suwerte. Laging may nakaabang na magagandang kapalaran sa landas ng buhay na iyong tinatahak.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan masaya, ru’n ka! Makikita mo, agad na lalapit sa buhay mo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-24-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdaratingan na sa buhay mo ang nakagugulat na suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-17-27-30-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Tulad ng mga artista, nakatakda ka ring sumikat. At kasabay ng iyong pagsikat, sunud-sunod at maraming suwerte ang magdaratingan sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-16-28-33-44.
CANCER (June 21-July 22) - Susundan ka ng mga suwerte kahit saan ka magpunta. Hihintayin nilang makasingit sa iyo ang positibong pananaw at saka sila dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-21-24-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Kung ano ang gusto mo sa buhay mo, iyon ang mangyayari. Kung wala kang gusto, wala ring mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-25-27-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Samantalahin mo ang mga araw na ito, kung saan mabilis, madali at walang gaanong kahirap-hirap mong maisasagawa ang iyong mga plano. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-18-26-34-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan na parang isang kisap-mata, matatagpuan mo ang sarili mo na yakap-yakap ang iyong matagal nang pinapangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-22-29-35-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Panatilihin mo ang positibong pananaw. Ang payo para sa iyo ay harapin ang mundo nang masaya at may pusong maunawain at mapagpatawad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-16-21-31-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hanapin mo ang daan ng pakikipagkasundo. Bumabagal ang takbo ng magandang kapalaran kapag ang piniling daan ay pakikipagmatigasan at saradong isipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-14-19-28-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumulong ka nang bukal sa iyong kalooban. Ang tumutulong na masaya ay siyang mas pinagpapala kaysa sa tumutulong nang may hinihintay na kapalit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-20-22-36-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga naririnig mong paninira. Tulad ng dati, ang naninira sa iyo ay isa-isang mapapahamak. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-12-24-27-31-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang bagay, iyon ang dapat mong isuot. Kaya bakit ka pipili ng hindi naman bagay sa iyo? Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-26-29-37-43.


Comments