top of page

Horoscope | Abril 29, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 29, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 29, 2026 (Miyerkules): Iyung-iyo ang araw na ito, kaya anuman ang planuhin at pangarapin mo, isa-isa itong tutuparin ng langit. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang takdang araw para sa pagkakawanggawa. Anuman ang mabawas sa iyo, agad itong papalitan ng langit bilang pasasalamat sa mga kabutihang nagawa mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-22-25-33-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa panahong ito ng tag-init, iinit din ang magagandang kapalaran na paparating sa iyo. Ang ikinaganda pa nito, kahit harapin mo ang pinakamahigpit mong karibal, ikaw pa rin ang mananalo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-20-24-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Mahina ka ngayon dahil matatangay ka ng iyong damdamin. Pero malakas pa rin ang iyong likas na gayuma, kaya magpapatuloy ang bisa ng iyong mapang-akit na mga salita. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-21-28-30-37.


CANCER (June 21-July 22) - Muling ibabalik ng langit ang mga masuwerteng araw mo. Kaya gawin mo na ang mga planong hindi mo nasimulan noon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-26-29-38-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mas maganda kung nag-iisa ka lang. Dahil kapag may kasama ka, hindi mo maiiwasang pasayahin sila, at lihim ka na namang magtatampo dahil hindi ka nila magawang pasayahin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-25-27-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maaantala ang mabilis mong pag-asenso dahil ang mga gagawin mo ngayon ay walang kinalaman sa pagpapatatag ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-13-24-31-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masama ang magbigay, ang masama ay kung labag ito sa loob mo. Nagbababala ito ng pagdapo ng karamdaman dahil dapat mong maunawaan na ang mga kilos ng tao na sapilitan lamang ay maaaring magdulot ng kakaibang karamdaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-20-23-35-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umaayon sa mga kagustuhan mo ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-26-28-30-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ikaw lang, tiyak na hindi mo kakayanin. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-13-22-29-31-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag ka agad basta maniniwala. Hindi lahat ng mukhang nakakaawa ay talagang nakakaawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-24-27-37-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mabibihag ngayon, kaya ang payo ay huwag na huwag kang didikit sa nagpapakita sa iyo ng interes, dahil mahina ka sa panahong ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-25-39-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadagdagan ng langit ang mga suwerte mo. Ngayon din mapapatunayan na sadyang iba ang pagtingin sa iyo ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-20-26-32-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page