top of page

Horoscope | June 9, 2024 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 9, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 9, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 9, 2024 (Linggo): Tiyak ang pagyaman mo. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang. Mahalin mo ang mga kapus-palad upang manatili kang mayaman.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang pagkakataon mo na kumita ng malaking pakinabang. Lakasan mo ang iyong loob dahil kapag mahina ang loob mo, kikita ka rin pero hindi malaki at marami. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-18-20-27-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga taong ayaw magsumikap. Baka sa kakapansin mo, mahawa ka sa kanilang katamaran. Mas magandang dumikit sa mga taong tulad mo na nagsisikap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-14-25-29-31-35.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nabubuhay ang tao dahil lang sa pagmamahalan. Ang tunay na bumubuhay sa tao ay ang paghahanap ng ikabubuhay. Maghangad ka dahil ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-9-19-28-32-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang kontra nang kontra sa iyo, siya ang lihim na nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-25-34-39-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Yakapin mo ang makalumang tradisyon. Mahirap paniwalaan, pero ito mismo ang magbibigay sa iyo ng bagong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-23-29-31-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakabukas ang pintuan ng grasya sa langit at sa iyo ito nakatapat. Ipagpatuloy mo ang pagtulong sa kapwa kahit ikaw ay nangangailangan din ng tulong at alalay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-17-22-28-35.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong damit kahit nasa bahay ka lang. Ito mismo ang iyong pampasuwerte na nagsasabing ang magagandang kapalaran ay hahanapin ka kahit nasaan ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-18-26-32-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang matakot. Tama ang sinasabing nasa isip lang ang takot. Kapag kumilos ka ayon sa plano mo, sasaya ka at ang takot ay hindi mo na makikita kahit kailan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-30-42-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo ang kakayahan ng mga taong gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-27-33-36-39.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabigat ang pakiramdam mo pero kapag kumilos ka, magugulat ka dahil ang lahat ay gagaan sa iyo at kahit ang trabahong inaayawan mo ay magiging magaan kung saan madali mo itong magagawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17-26-28-34-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang na minamaliit ka ng mayayabang. Sa huli, babatukan sila ng langit at ang kanilang mukha ay sasayad sa lupa. Masasaksihan mo mismo ang batas ng karma. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-22-28-31-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit pa ipukol mo sa malayo ang isang bagay, babalik at babalik ito kapag talagang para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-20-29-34-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page