top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | June 7, 2024 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 6, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 7, 2024 (Biyernes): Tinitiyak ng araw ng iyong pagsilang na mararating mo ang dulo ng iyong pinakamalaking pangarap. Ang kailangan mo lang ay humakbang para sa iyong pangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong mayamang imahinasyon upang mas mapabilis ang iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-27-34-40-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbababala ang araw na ito na maaari kang mapaniwala sa hindi naman totoo. Mag-ingat ka, lalo na sa mga taong mabilis magsalita. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-22-32-41-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang tumulad sa mga pabagu-bago ng pasya. Sila ay walang mararating sa buhay dahil kung saan-saan at kung anu-ano lang ang kanilang ginagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-17-23-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hanapin mo ang paraan kung paano gaganda ang iyong kapalaran. Huwag kang tumulad sa iba na nagrereklamo, pero wala namang ginagawa para gumanda ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-20-29-33-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit totoong mahirap kang mapaniwala ng mga mandaraya. Maaaring hindi ka maniwala, pero mahina at puwedeng-puwede ka nilang maisahan ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-8-17-28-34-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip at pakiramdam ang magliligtas sa iyo sa mga manloloko. Pero kung hindi ka magiging alisto, magsisisi ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-23-33-40-44. 


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pupurihin ka pero sasabihin din sa iyo ang iyong kapintansan. Aakalain mong totoong tao sila, pero sa huli, kapag naisahan ka na ay hindi mo na sila makikita kahit kailan. Mag-ingat ka! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-24-30-38-45. 


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kalimutan na ang sarili mo ay may mga pangangailangan din. Ituloy mo ang pagmamalasakit sa malapit sa iyo, pero muli, ‘wag mong kaligtaan na may pangangailangan ka rin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-15-19-31-40-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka nang natural, habang ang iba ay hayaan mong kumilos na mapagkunwari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-18-29-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang makipag-usap sa dati nang nanloko sa iyo. Malaki ang tsansa na muli kang maawa at muli siyang mawala at babalik kapag may kailangan ulit sa iyo dahil maaawa ka ulit. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-13-26-35-41-44. 


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magbigay ka pero huwag sobra. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-22-37-41-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Hindi ka makakatanggi sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-24-31-38-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page