Horoscope | June 4, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 4, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 4, 2024 (Martes): Marami ang gagamit sa iyo dahil may mga suwerte silang makukuha sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-ingat ka. Hindi lahat ng taong ngumingiti ay mababait. Kadalasan, sila pa ‘tong may hindi magandang motibo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-24-33-40-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi lahat ay kakampi ng isang tao. Kailangan mong matanggap na may kakampi at may mga ayaw sa iyo. Sa ganitong paraan, mas gagaan ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-22-37-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong labanan ang iyong mga kaaway. Magkunwari ka munang mahina. Ito ang dapat mong gawin ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-23-33-35-40
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong nagpapapansin, dahil mauubos lang ang oras mo sa kanila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahahalata mo naman ang mga taong may galit sa iyo. Wala kang mapapala sa kanila at baka mahawa ka pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-10-19-22-28-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutukan mo ang mga gawaing magbibigay sa iyo ng saya. Ang mga taong magdadala sa iyo ng kalungkutan ay huwag mong pansinin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-18-23-28-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis kang maiinis, at ang kinaiinisan mo ay aastang bida. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-24-33-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanap ka ng makakatulong sa iyo. Kapag ang nahanap mo ay hindi ka pala matutulungan, maghanap ka muli. Lahat naman ay nagkakamali. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-21-24-27-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo ang laban mo dahil sa huli, ikaw pa rin ang mananalo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-18-27-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagkalat na ang mga talunan. Ang madirinig mo sa kanila ay puro pamimintas at galit sa mundo. Layuan mo agad sila, dahil hindi ka kabilang sa kanila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-8-17-22-28-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong layuan ang nagpapakita ng ‘di maganda sa iyo. Ang hiwaga ng kapalaran ay iyong mararanasan, dahil ang ilang suwerte niya sa katawan ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-22-31-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasayahin mo ang mga taong ayaw makisalamuha sa kanilang kapwa. Sa gagawin mo, maibabalik mo ang kanilang kasiyahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-11-18-25-34.



Comments