top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | June 4, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 4, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 4, 2023 (Linggo); Unahin mong pagyamanin ang iyong sarili bago mo pagyamanin ang iba. Ito ang payo ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga nakikialam sa buhay mo. Wala silang karapatan at wala rin naman silang maitutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-20-23-28.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makikilala mo ngayon ang tunay na nagmamalasakit sa iyo. Siya ang nakakaunawa sa kakulangan at kahinaan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-16-25-27-30-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Umiwas sa anumang pagkikipagtalo. Masasayang lamang ang iyong oras sa pakikipagpalitan ng argumento na mauuwi lang naman sa walang katapusang pagtatatanong at pagsasagutan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-28-31-32-37.

CANCER (June 21-July 22) - Dadalawin ka ng alalang lumipas na, kung pahahalagahan mo ito ay maaapektuhan ang iyong kasalukuyan na mababawasan ang saya’t ligaya na iyong nararamdaman ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-22-33-39-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikagugulat mo ang kakaibang pangyayari ngayon dahil biglang gaganda ang pakikitungo sa iyo ng taong hindi mo makasundo at laging nakakontra sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-26-27-35-36-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magiging mapanghusga ka ngayon. Sarilihin mo na lang ang iyong opinyon. Hindi makakabuti para sa iyo kung malalaman ng kinauukulan ang hindi magandang asal mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-20-21-26-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit ano ang gawin mo, hindi ka pa rin maunawaan ng ayaw umunawa sa iyo. Mas maganda na huwag mo na lang itong pansinin at ituloy kung ano ang iyong nais gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-25-29-30-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo obligasyon na ipaliwanag ang mga kilos mo. Mas maganda na hayaan mo silang maghanap ng katuwiran para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-26-27-35-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutukan mo ang ginagawa mo ngayon upang makuha mo ang pinakamagandang resulta. Tiyak na hindi masasayang ang ipupuhunan mong pagod at pagsisikap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-9-14-15-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na matagal ng inilaan sa iyo. Bago ka pa lamang isilang. Gawin mo ngayon anumang gusto mong gawin, tiyak na ito ay magkakaroon ng positibong resulta. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-20-22-23-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang ay pakikinggan ka ng langit, ‘wag ng pahabain pa ang iyong mga sasabihin. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips lotto-17-23-25-38-39-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang laging nakasalungat sa pananaw mo dahil siya mismo ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayon. Ito ang mensahe sa iyo sa ngayon ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-20-21-24-25.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page