Horoscope | June 3, 2024 (Lunes)
- BULGAR

- Jun 3, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 3, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 3, 2024 (Lunes): Pataas nang pataas ang ranggo mo sa iyong pinapasukan. Gayunman, sa huli ay magiging matagumpay kang negosyante.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tama na may limitasyon ka dahil sa sitwasyon ng bansa, malayo ang iyong mararating at susulong pa rin ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-32-37-40-55
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumalma ka lang. Hindi ka dapat mahawa sa mga nerbiyoso at nerbiyosa na walang nakikita kundi ang mga negatibong bagay. Sa pagiging kalmado, gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-37-40-46-52.
GEMINI (May 21-June 20) - Magiging instrumento ka para umangat ang buhay ng isang malapit sa puso mo. Tataas din ang ranggo mo, pero mauuna siya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-24-30-47-48.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magmadali. Ang tunay na tagumpay ay nakukuha sa pagtitiyaga at pagsisikap. Sa pagmamadali, posibleng madapa at kung minsan ay hindi na nakakabangon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-28-30-33-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka nang tahimik dahil mas maganda na ikaw lang mag-isa ang nakakaalam ng layunin mo. Bumabagal ang buhay kapag maraming nakikialam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-22-37-50-51.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag ka agad magtitiwala sa nagpapakita ng maganda dahil ang mga mandaraya ay nagbabait-baitan muna sa umpisa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-26-36-40-44-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mas gaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Pero, wala kang dapat ipag-alala. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-17-28-31-32-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pipilitin ka sa hindi mo gusto pero sa huli, matutuwa ka dahil ang hindi mo ginusto ang magiging susi ng iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-20-28-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim kang tumulong. Mas maganda ang palihim na pagtulong dahil sa lantad na pagtulong, makakaani ka ng napakaraming batikos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-22-25-39-40-48-56.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ang mga kalaban mo ngayon, ngunit patuloy silang aasta na sila ay malakas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-22-26-35-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang papayag na may makikialam sa diskarte mo. Nasa tamang landas ka ng buhay na iyong tinatahak kung saan ang mga pakialamero ay gustong magkamali at mapahiya ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-13-16-27-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadalawin ka ng mga suwerte. Aktuwal ka nitong dadalawin dahil ang taong papasyal sa iyo, siya na mismo ang suwerte. Gandahan mo ang pakikiharap sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-25-33-38-46.



Comments